Parazzi Chikka: Matt Evans, seryoso sa kanyang non-showbiz GF!

NAKATANGGAP KAMI SA aming e-mail ng mga litrato ni Matt Evans, kasama ang sinasabing long-time girlfriend ng ka-loveteam ni Melissa Ricks. Ito ba ang dahilan kung bakit ‘di talaga niligawan ni Matt si Melissa?

Ayon sa chikka ng aming e-mail sender na si <rochelleko48@yahoo.com>, nakuha niya ang mga pictures na ito sa cellphone ng kanyang friend na ka-close ng girlfriend ni Matt. Na-meet na raw niya ang dalawa sa birthday paryy ng common friend nila.

Well, wala namang masabing hindi maganda ang aming e-mail sender about Matt. Very nice couple pa nga raw sina Matt and girlfriend, whom they call “Sha” and is a Registered Nurse.

Sa pagkakaalam din ng ating e-mail sender, serious si Matt with this girl and very sweet ‘pag lumalabas, na madalas nga raw na hang-out ay sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.

Dagdag pang chikka, more than two years na ang relationship nina Matt at nitong girl na very close sa pamilya ni Matt, gayundin si Matt sa pamilya ng girl.

Idol ng ating e-mail sender si Matt. “I love him because of his attitude and talented po talaga.” Lahad niya sa kanyang e-mail.

Tila naghahamon naman ang e-mail sender na subukan daw saliksikin ang real score between Matt and this girl. Not so long ago nga, ininterbyu pa itong si Matt about the chinbita girl na kasama niya. Part-time model din daw ang pretty girl na ito. ‘Yun na!

Ni Dani Flores

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.