Matt Evans, satisfied no more with ABS-CBN?

MUKHANG SA KANGKUNGAN na nga pupulutin ang show ni Willie Revillame. Ang dami na ka-sing advertisers ang nag-pull-out ng kanilang ads. Parang more than 50% na yata ng nagpe-place ng ads sa Willing Willie ang nagpakita ng disgust sa show ni Willie sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanilang TV ads. Sabi naman ni Willie, magsasakri-pisyo siya nang husto. Kung kinakailangang sa kanyang sariling bulsa manggaling ang perang papremyo sa kanyang show ay gagawin niya para makatulong sa mahihirap. Tingan nga natin kung kaya niyang gawin iyan sa kanyang pagbabalik sa show after ng Holy Week. At parang tumapang nang husto si Willie ngayon. Nagbanta pa siyang magdedemanda ng mga celebrities na umatake sa kanya sa Twitter. May ganoon siyang drama. Ang mga pinangalanan naman niyang celebrities ay umalma. Ni hindi natakot. “I was within my rights to comment and express my opinion. I mean, we live in a democracy,” sabi ni Lea Salonga sa interview sa kanya sa TV. Nabasa namin ang tweet ni Lea na parang may pinatatamaan. Sabi niya sa Twitter noong April 10, “No one is immune from criticism, not even our President. Kung Pangulo nga binabatikos araw-araw, at kinakaya niyang tiisin, tayo pa kaya?” Hindi naman affected si Agot Isidro na isa sa bumatikos kay Willie, sa pahayag ng TV host sa kanyang programa kung saan tinanong pa niya si Agot kung bakit ito nagre-react gayong wala naman itong anak. “Thank you for  the  outpou-ring of support. I am A-ok! Don’t worry about me. Du’n lang tayo sa tama,” tweet ni Agot. Malaman ang pasaring ni Mylene sa Twitter. Sabi niya, “I will not be bullied. I will not threatened. Sticks and stones may break my bones but your words will never hurt me.” Isa pang malaman ang naging mensahe sa Twitter ay si Aiza Seguerra na pinagsabihan ni Willie sa kanyang programa na “magpakalalaki ka”. “Hugas kamay. Patay mali. Ano ba yan,” tweet ni Aiza. Pero ang pinakamalaman para sa amin ay ang sagot ni Jim Paredes. “How can a laos, old, over the hill guy like me destroy a sikat, power-ful, rich Superstar like Willie? He did it all by himself,” tweet niya. NATANONG SI VIC Sotto kung package deal sina Jose Manalo at Wally Bayola sa bawat pro-ject niya. Kasama kasi niya ang dalawa sa latest movie niya, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak kung saan leading lady niya si Bea Alonzo. Balik-Star Cinema ang komedyante sa movie niyang ito. “Matagal ko nang tinatago ‘yung dalawang ‘yan, eh nakakawala. Ilang beses ko nang nilagay sa sako ‘yan, pero ang lakas ng pang-amoy,” pagbibiro ni Bossing Vic. “Hindi naman package deal. Sa comedy kasi, it’s always group effort. Mahirap mag-comedy na nag-iisa kaya nga hindi ako naging stand-up comedian, eh. I’m a situa-tional comedian. I’d rather act to a situation. Dapat kasi team effort. Kung sa basketball, kung wala kang kakampi hindi mo kayang ipanalo ang game dahil nag-iisa ka, eh. Kailangan mo ng kakampi, kailangan mo ng mapapasahan, shooter, taga-dribble at ‘yan naman ang maaasahan ko dito sa dalawa. Magagaling na team players sila. Tapos ‘pag natatabi pa ako parang pumopogi ako,” esplika ng komedyante. NATSITSISMIS NA LALAYASAN na rin daw ni Matt Evans ang Dos. Sa ngayon kasi ay walang project itong si Matt matapos na magbida nang ilang beses sa ABS-CBN. Tila napabayaan na siya kahit na ilang beses na rin naman niyang napatunayan na kaya niyang magdala ng show. Mukhang hindi nakatulong kay Matt ang kanyang haircut. Magmula kasi nang ipatanggal niya ang kanyang kulot ay tila nawalan na siya ng appeal at hindi na siya muling napansin ng Dos. Sa’n naman kaya lilipat itong si Matt, sa Singko o sa Siyete? Ang tanong, may offer ba naman sa kanya sa alinmang network? Tama lang para sa amin na maghanap na ng ibang network si Matt. Anyway, kung ayaw siyang bigyan ng project ng Dos, mayroon pa namang ibang network na puwede niyang puntahan. May achievement na naman siya as an actor, eh. Lex Chika by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Matt Evans, satisfied no more with ABS-CBN?

  1. Ngayon sa abs cbn na ko asar… Ang daming dapat problemahin ng mga taong to bakit si Willie lagi ang pinupuntirya nyo? Anong malay naming mga mahihirap sa pagtwi-tweet nyo… makakain ba yan? Si lea international artist pero anong napala ng mga mahihirap sa tagumpay nya… Si jim paredes na laging handog na pilipino sa mundo ang ibinibida (people power 1) akala mo naman napaganda ng people power ang pilipinas di nga nagnakaw pumalit kay marcos na si cory ung mga alipores naman nya ang nagnanakaw, kya mas ok pa nung si marcos at least sya lang takot ung iba!….. Aiza’s kiddie corner minsan sumayaw ka rin ng ganyan to the tune of papaya!

  2. Tanungin nyo ang mahihirap kung ano ang mas kailangan nila, ang mga nagtatanggol sa kanila sa Twitter o yung inaakusahang ginagamit sila kapalit ng konting pera. Ang mga Pinoy sobrang ipokrito at nagmamalinis. Nung binitay yung 3 Pinoy sa China sinasabi ng iba na hindi raw alam na may drugs dun sa bagahe, ayaw niyong tanggapin na ganito na katalamak ang kahirapan sa Pinas. Na ang isang mahirap na gustong kumita ay kayang ibenta ang kaluluwa para sa pamilya. Oo, siguro tama sila, siguro ginagamit nga ni Willie ang mahihirap pero at least may napapala sila, may pera silang nakukuha na pangtawid gutom sa maghapon man lang. MGA SOBRANG MALILINIS AT MARARANGAL NA PINOY, BUMABA KAYO SA PEDESTAL NYOP – HINDI PO NAKAKAIN ANG PAGTATANGGOL NYO SA TWITTER. O ngayon na Twit kayo ng Twit na para bang kaya nyong makipagpatayan para sa mga mahihirap, makakakain na ba sila? May pera na ba ang mahihirap? Kung kaharap nyo lang ang mga mahihirap baka isaksak pa sa lalamunan ninyo ang Twitter na yan, dahil sa totoo lang SATSAT lang naman yan. May nabago ba? Nakatulong ba kay JanJan? Pwede ba ibayad sa tuition yang Twitter? Pwedeng kainin? Ikabuhay? Malamang na ginagamit nga ng Willing-Willie ang mga mahihirap pero ganon din naman sila di ba? May napapala naman ang mga mahihirap kahit paano. Yung mga artista na ngawa lang ng ngawa, alam nyo gusto nyo lang naman sumikat eh makasama sa headline, kung itatabi sa inyo itong mga mahihirap baka maghapon kayong maligo ng alcohol, o di ba Ms Salonga? Ms Isidro? Kaya nyo bang kamayan man lang ang mga pulubi?

  3. naku!!! huwag na sanang bumalik si revillame. di siya kailangan ng industriya. panggulo lang itong mamang ito. yung mga nagtatanggol kay revillmame. di ko maintindihan kung bakit di niyo nakikita ang mga pagkakamali ng taong ito. di naman niya pera ang ibinibigay niya kuno sa mga mahihirap. pondo ito ng show at galing sa mga sponsor.ginagamit lang niya ang mga mahihirap para lalo siyang yumaman. ubod ng yabang, walang utang na loob at bastos!!! matsugi na sana ang show niya!!!!!

  4. ilang milyon ba ang fans ni willie, madali lang yan mag lunsad din sila ng boykot sa lahat ng advertiser na umurong pag hindi naapektuhan ng paninda nila ewan ko lang pafgdi bumalik. Sa lahat ng Fans ni Willie Panahon na para ipakita ninyo ang suporta ninyo Kay willie Magkaisa mag lunsad ng Kampanya online at offline para iboykot mga prodokto ng mga walang bayag na advertiser

  5. tang ina bakla kolomista na to nabayaran ng abs-cbn para siraan ang imahe ni willie revillame tulad bayaran alfie lorenzo bakla ka mga ingit

  6. may mga nagsasabi jan na inggit lang daw ang mga bumatikos kay willie..?? inggit din kaya kay willie sina soliman at de lima? 

    nakakatulong nga ba si willie sa mahihirap? pera ba nya ang ginagastos nya? tinuturuan lang nya ang mga mahihirap na umasa sa kanya. sabagay kasi kung wala ang mga mahihirap di wala rin ang show nya. yun lang ang mga taong nauuto nya eh…. 

  7. neknek_mo, napaka-tanga mo naman pala talaga noh. matatalino nga ang mga Kapuso, kaya di kami nakiki-ride sa mga issue nyong mga kapamil-yucks na puro trivial at puno ng inggit. Napaka-pakialamero nyo kasing mga kapamil-yucks!!!!!

  8. wala naman kasing mga jutaks ang kapuso eh, wala silang alam sa mga social issues, hekhekhek.. ano ba ang alam nilang i-tweet? yung mga katsipang awayan nila? at mga flop movie nilang ongoing na pilit na pinagte-trend eh nilangaw naman

  9. hahaahahaha ganon talaga kapag inggit ang tao kc ndi nila magawang tumulong sa mahihirap kc nga laos at wla clang pera cyempre gus nilang umepal sa gobyerno ano ba iyan ndi na nabago,naweala nga ang corrupt sa phils.ngayon naman kung cno ang gusto nilang pabagsakin iyon ang pagkakaisahan nila march 12 pa iyon pinalaki ng mga dilaw na arista,at tsaka puro taga dos wla akong narinig sa gma or kapuso kc ang iniintindi nila ay work at ndi nagpapalaki ng issue kya hayun isang lahi ayy..isang kadilawan pati sina kiko akala mo kung cno si hintiveros si dinky ano ba iyan ndi ba naininlaw iyan hayyyy…mga pinoy tlaga ayaw pang aminin…

Leave a Reply

Your email address will not be published.