After matsugi sa teleserye ng Dos
Kiko Estrada, naiyak nang bigyan ng teleserye ng Siyete

Kiko-EstradaAFTER MABAKANTE ng nine months, muling nagbabalik-teleserye ang ABS-CBN star turn GMA star na si Kiko Estrada via Strawberry Lane kabituin sina Kim Rodriguez, Jake Vargas at Bea Binene. Hindi raw nito napigilang mapaiyak nang ibalita sa kanya na magkakaroon na siya ng bagong proyekto after matanggal sa Mirabella ng Dos.

Kuwento nga ni Kiko, “Ayaw kong itago na umiyak ako, kasi ‘yun naman ang totoo. Siguro tears of joy, tapos nagdasal ako at nagpasalamat sa Diyos kasi dininig niya ‘yung prayers ko.

“Tapos tinawagan ko ‘yung mommy ko, tapos tinawagan ko rin ‘yung lola ko to tell them the good news. Tapos dumalaw ako sa relatives ko, tapos ikinuwento ko sa kanila ‘yung tungkol sa project at masaya sila sa akin.

“Kahit sila nga naiyak kasi nakita nilang umiiyak ako. Kasi sobrang saya ko talaga that day nang malaman ko na may project na ako. Almost nine months din akong walang trabaho, nine months din akong nag-iisip kung ano ang gagawin ko para magka-proyekto, at nine months ko ring dinala ‘yung nangyari sa akin, sa pagkawala nu’ng show na dapat ay kasama ako.

“Pero right now na may new show na ako, nawala na lahat ng iniisip ko. Mabait talaga ang Diyos, ibibigay niya sa ‘yo kung ano ‘yung dinarasal mo at ‘eto na nga, granted na ‘yung prayers ko at ibinigay na niya sa akin ‘yung matagal ko nang dinarasal sa kanya, ‘yung magka-show ulit.

“Kaya nga kung makikita mo ako ngayon, bakas sa mukha ko ‘yung sobra-sobrang kasiyahan. Ang maganda pa kasi rito, ‘yung mga makakasama ko sa show, mga kaibigan ko at nakasama ko na sa Tween Hearts like sina Jake Vargas, Bea Binene at Kim Rodriguez.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

4 thoughts on “After matsugi sa teleserye ng Dos
Kiko Estrada, naiyak nang bigyan ng teleserye ng Siyete

  1. hahahhaha ang balita nag iiringan sina Vak Deo at Mr M….gusto ni Vaks Deo,, yung mga napirata niya ang bigyan ng magagandang project hahahah ang gusto naman ni Mr M. ay yung mga alaga niya sa Star magic na santambak na, halos naka TENGGA na sila ng matagal hahahaa balita mukhang pinakita na ni Mr M. ang kanyang pangil hahaha kaya si Vaks Deo medyo umurong hahah ewan ko kung ano pa ang mangyayari,,,may dalawang ‘force’ ang naglalabanan diyan hahahah wait natin kung sino ang mananalo hahahaha BEKI o DOM hahahahha

  2. Wow ang GWAPO naman ng batang ito….. super yummylicious….. pinakawalan sya ng ABS CBN???? kung ganito ba naman lahat ng artistang lalake eh di pak na pak!!!!

    • hahahah baka ayaw magpalaway sa mga bakla hahahahah debahh ganoon ang, labanan diyan sa Katol Network hahahahha BOOK muna bago PROJECT hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.