Matronang bugaw, nalambat

ARESTADO ANG isang tinaguriang “matronang bugaw” sa entrapment operation sa Kauwagan Highway sakop ng Cagayan de Oro City.

Ayon kay Insp. Patrick Paguirigan, hepe ng Regional Special Operation Group ng Cagayan de Oro City, kumagat sa kanilang pain ang suspek na itinago sa pangalang “Maricar”, residente ng Mambayan, Balingasag, Misamis Oriental.

Nadakip si Maricar makaraang tumanggap ng P5,000 marked money mula sa RSOG operatives na umaktong customer kapalit ng dalawang menor na babae bilang sex workers.

Sa ulat, dinala ni Maricar ang tatlong babae na nasa edad 18, 23 at 26 sa loob ng motel para mamili ang poseur-customer.

Nang abutin ng suspek ang bayad, saka ito inaresto.

Nakuha kay Maricar ang marked money, 12 condoms at cash na nagkakahalaga ng P11,800 gayundin ang $1.     (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.