Maton na Bading, Kulong sa Pagdakot sa Ari ng Binatilyo

BAGSAK SA kulungan ang isang maton na bakla matapos dakutin at lamasin ang ari ng naglalakad na binatilyo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Sexual Abuse si Dominador Añora Jr., 35, ng Pascual St., San Agustin ng lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:15 ng gabi, naglalakad si Lorenzo Alaban, 15, sa Eusebio St., Baritan nang harangin ng suspek sabay dakma sa ari at hinimas.

Pumalag ang biktima at nang makakawala ay nagsumbong sa mga pulis na naging dahilan upang dakpin ang suspek.

Sinabi pa ng biktima na noong nakaraang Disyembre ay hinarang din siya ng suspek at hinimas ang ari subalit hindi nakapagsumbong sa mga pulis dahil sa pananakot ng bakla.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.