Matindi ang pinagdadaanan at kailangan ng kausap Tyron Perez, ‘di nabigyan ng oras ng mga kaibigan

SANDALI LANG tayo nagbakasyon, ang dami nang mga isyung naglabasan na talagang humabol sa paghihiwalay ng 2011.

Ang nakakaloka, ang pagkamatay ni Tyron Perez na siya mismo ang kumitil sa kanyang buhay.

Nakakalungkot ang ganu’n dahil parang wala nang pag-asang makaahon, tinapos na lang basta at sumuko na sa mga hamong dumarating sa buhay nila.

Ang isa nga sa nag-react ay si Camille Prats na nalungkot sa balitang ‘yun, dahil bakit daw naiisip nilang magpakamatay gayu’ng napakabata pa nila at malaki pa ang pag-asang maayos ang kanilang buhay.

Ang asawa nga raw niya na napakabata rin, gusto pang mabuhay at nakipaglaban pa para mabuhay, pero hindi na talaga kinaya, iginupo na rin ng sakit na cancer.

Nakaka-depress nga ang ganu’n. Pero wala tayong magagawa, ‘yun ang na-kaguhit sa palad nila kaya tanggapin na lang natin.

Nu’ng nag-guest nga sa Startalk ang mga kasamahan ni Tyron sa Starstruck 1 na sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Alvin Aragon at Christian Esteban, mangiyak-ngiyak sila nang napagsabihan kong gusto pala ni Tyron na mag-reunion sila, bakit hindi nila ito binigyan ng oras.

Baka nga may pinagdaanan na siya noon at gusto niyang may makakausap nu’ng mga oras na ‘yun pero wala silang oras kaya hindi natuluy-tuloy ang reunion.

Sabi ko nga, magsisilbing leksyon ‘yun sa kanila na kapag may kaibigang humihingi ng oras na samahan sila, pagbigyan nila ito dahil hindi natin tiyak kung ano ang susunod na mangyari. Ang ending, magsisi lang tayo dahil hindi natin ito napagbigyan ng oras, kaya siguro magkaroon din talaga tayo ng panahon para sa ating mga kaibigan dahil hindi natin alam, kailangan pala tayo sa mga oras na ‘yun.

Ang latest na narinig ko, sa Huwebes na ililibing si Tyron sa kanyang lugar sa Tarlac. Doon na dinala ang labi nito pagkatapos nitong ibinurol sa Parañaque.

 

NAKAKALUNGKOT DIN itong latest na nangyari sa kaso ni Ramgen Revilla. Natakpan na ang kaso ng pagpatay sa kanya nitong kumakalat na sex video nila ni Janelle Manahan. Parang iisa lang ang pinagbibintangan kung sino ang nagkalat nito, kaya lang mahirap nang magsalita.

Ayaw na nga sanang pag-usapan pa ito ni Sen. Bong Revilla pero kalat na kalat na kaya gusto niyang paimbestigahan na sana ito kung saan nag-ugat ang sex video na ito. Sabi nga niya meron na tayong Anti-Voyeurism Law of 2009 kaya dapat na aksyunan na ito ng NBI para maimbestigahan na.

Matagal na ngang naikuwento sa akin itong sex video na ito. Ayaw nga ni Jolo Revilla itong tingnan dahil ayaw na lang daw niya ma-stress.

Kaya kahit anong kulit sa kanila noon, ayaw nilang magkomento dahil maliligaw lang ang totoong isyu.

Ang dapat ay magtutok sa kung sino talaga ang pumatay kay Ramgen. Huwag iligaw ng sex video na ito.

Kaya sana nga maimbestigahan na ito ng NBI dahil kung totoo ang duda ng karamihan sa kung sino ang nagkalat nito, naku, day! Dapat talagang mapanagutan na nila ito. Hay, naku!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

5 thoughts on “Matindi ang pinagdadaanan at kailangan ng kausap Tyron Perez, ‘di nabigyan ng oras ng mga kaibigan

  1. on feb 23, 2012 metro manila  center makati city will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

  2. maganda yung sinabi ni manay lolit sa mga taga starstruck na friends ni tyron, tama nga naman ngayon pa sila magsisisi eh hindi nila pinansin c tyron nung time na gusto makipag meet at reunion sa kanila! hindi talaga nila pinahalagahan yung tao! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.