Matigas kasi ang ulo Cristine Reyes, pinagalitan ng doktor!

NAPAGALITAN PALA NG kanyang doctor si Cristine Reyes. Ang tigas kasi ng ulo nito.

Pinagsabihan na pala siyang kailangang magpahinga siya ng isang linggo pero sinuway niya ito. Two days after niyang lumabas sa ospital ay nag-taping na kaagad ang aktres.

Kinailangan kasing bumalik ni Cristine sa kanyang doctor para masigurong magaling na siya sa kanyang sakit na meningitis. Doon nalaman ng doctor na nagtrabaho kaagad siya. Buti na lang at hindi siya nabinat.

Sobrang sipag ni Cristine sa trabaho. Kahit daw may lagnat na ito ay sige pa rin sa kanyang taping. Ayun tuloy, sakit ang kanyang inabot.

 

MUKHANG SI ANGELINE Quinto na talaga ang naka-line up na ipapalit sa trono ni Sarah Geronimo.

Gino-groom na kasi ngayon si Angeline bilang aktres at makakasama niya sa kanyang first movie ang crush niyang si Coco Martin.

Aware naman kasi ang Dos sa possibility na bigla silang iwan ni Sarah at mabuti na ang nakakasiguro.

 

BLIND ITEM: Muntik palang idemanda ng isang make-up artist ang isang may attitude na young actress.

Kinapos kasi noong araw na iyon ang baklitang taga-make-up kaya naman nanghihiram ito ng pera sa mga taga-production. May babayaran kasing medyo malaki ang hitad.

Nagkataon namang nawalan ng dollars ang aktres sa taping. Nalaman niyang nangangaila-ngan ang make-up artist ng pera noong araw na iyon kaya iyon ang kanyang pinagbintangan.

Nagalit ang baklita nang malaman niyang siya ang pinagbibintangan. Pinanindigan niyang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng dollars ng young actress. Oo nga’t in dire need of money siya noong araw na iyon pero hindi raw siya magnanakaw.

Sa nangyari ay binalak pa nga raw idemanda ng make-up artist ang young actress dahil hindi nga naman maganda sa kanyang reputasyon ang binibintang sa kanya.

Da who ang aktres? Naku, in fairness, pang-mayaman ang tunog ng name niya. ‘Yung name lang, ha!

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

3 thoughts on “Matigas kasi ang ulo Cristine Reyes, pinagalitan ng doktor!

  1. Ah basta.. makapal ang gilagid at mahaba ang baba ng aktres na yan.. ni hindi naman marunong umarte.. dry magbitaw ng lines! walang pagpapahalaga sa mababang tao! che!

Leave a Reply

Your email address will not be published.