Math at Science Teachers sa Public Schools, May Umento na

INILABAS NA ng Department of Education (DepED) ang implementing guidelines nito para sa ipatutupad na one-time three-step sa-lary increase bilang insentibo ng mga nagtuturo ng Mathematics at Science sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ang umento sa sahod ng mga guro ay batay sa inilabas na Department of Budget and Management (DBM) circular a-linsunod na rin sa joint resolution ng Senado at Kamara.

Pinasusumite na ng kalihim ang mga school head ng listahan ng mga kwalipikadong guro na nagtuturo ng Mathematics at Science sa nakalipas na tatlong taon.

Kabilang dito ang mga teacher 1, 2 at 3 sa public elementary at secondary schools na pumasa sa criteria tulad ng educational attainment, teaching load, performance rating, teacher experience at training.

Sa sample computation ng kagawaran sa isang teacher 1 na nasa salary grade 11 na tumatanggap ng P18,549, maiaangat ito sa 19,111 o P562 na umento.

Ang teacher 2 naman na nasa salary grade 12 na tumatanggap ng P19,940 ay magkakaroon ng P605 umento, habang P650 naman sa teacher 3 na may salary grade 13 na tumatanggap P21,436 buwanang sahod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.