Matet, poorer than a rat?

OLA CHIKA! NAGSIMULA sa isang blind item na umikot sa apat na sulok ng showbiz ang tungkol sa kalagayan ng isang dating sikat na child actress na si Matet de Leon. Ang iba, nagbigay na ng kani-kanilang kuro-kuro sa kalagayan ni Matet.

Dito lang sa aking column, buong tapang kong pangangalanan ang naglabasan bilang blind item noon, na diumano’y naghihirap na ang anak ng Superstar. Ni pambili nga raw ng gatas ng anak, wala raw itong pambili, dahil naubos na ang kanyang pera, at wala nang laman ang savings nito sa banko.

Kaya marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na kalagayan ngayon ng dating sikat na child actress? At saan nga raw ba napunta ang naipon nitong pera? Dahil kung naka-time deposit nga ang pera ni Matet, nakuha na sana niya ito, at hindi na aabot sa ganitong mga balita ang kanyang kalagayan.

Ayon sa aking parazzi girl, damay diumano ang ina nitong si Superstar Nora Aunor, kung bakit walang naipon si Matet. Ipansusugal nga raw kasi ng superstar, huh! Nakakaloka naman ito!

Pilit kong hinahanap ngayon si Matet para makuhanan ng pahayag kaugnay ng isyung ito, ngunit hindi ko ito mahagilap. Sana ay makarating ito sa anak ng superstar. ‘Yun na!

SULIT ANG PAGOD at hirap ng buong cast ng pelikulang Pasang Krus, dahil napuno ang SM Megamall Cinema 10 sa premiere night nito na ginanap noong Lunes ng gabi.

Nagdatingan ang mga artistang kasama sa pelikula, at rumapa sa red carpet suot ang kani-kanilang naggagandahang damit. Talagang hindi pa rin kumukupas ang ningning at ganda ng nag-iisang sex goddess ng pelikulang Pilipino na si Rosanna Roces. Hindi rin nagpatalbog ang producer,, na kasama rin sa pelikula, na si Maricar Santos, kung saan kumikintab ang kasuotan. Dumating din siyempre sina Empress Schuck, Joross Gamboa, Christian Burke, BJ Morales, Justine Dionela, at marami pang iba.

Sulit ang hirap na pinasan ni Osang sa pelikulang ito na humakot ng palakpakan mula sa mga manonood. Sulit din ang ibinayad ng mga manonood dahil kakaiba ang pelikulang ito, na may aral na tatatak sa mga puso ng manonood.

Sa labas pa lang, hindi magkamayaw ang mga tao sa sobrang dami, at inabangan nila ang mga nagdaratingan artista. Hindi rin siyempre pahuhuli ang inyong lingkod, ‘no!

Maganda ang kinalabasan ng pelikula, at puro magagandang papuri ang natanggap ng buong cast pati na rin ni Direk Neal Buboy Tan.
Kaya watch na kayo. Showing na ito sa halos lahat ng sinehan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Matet, poorer than a rat?

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #48

  2. ang alam ko ininvest naman ni nora ung pera ni matet eh…sa las vegas casino bank ata ung naka invest….hehehe

    wawa naman matet, dpat kasi kumuha sya ng asawang mayaman or masipag mag work…..tulad ni john rendez….hehehe

  3. Ang raket ni nora sa Tate ay ang pangungutang sa kapwa pinoy. Kaya pinagtataguan na siya ng tao. Wala na ngang pera panay pa ang casino.

  4. abah sampalin ka kaya ng pera ni nora
    hindi naghihirap si matet noh
    saka maraming raket si nora sa tate

  5. pasensya na po pero hindi po MAGANDA ang pelikula ni osang. masyado pong binugbog ang kwento at kinalabasan ay lamog na ito at wala nang mahihita pang katinuan. napakaraming butas ng direksyon at napaghalatang nakapang-uto lang ng prodyuser ang direktor nito. sana naman maging mas responsable ang industriya ito at huwag nang hayaang mamayagpag ang mga ganitong direktor na nangangalandakang siya raw ang bagong lino brocka. baka bagong felix dalay pa o chaning carlos o bagong amay bisaya. napakapangit po ng pelikula at sinabunutan ko ang gaga kong kasamang nanghila sa akin sa premiere nite. ang RATING? ISANG lumalagatok na PWEEEEH, may kasama pang plem.

Leave a Reply

Your email address will not be published.