Matet de Leon, walang kinalaman sa pagpalit ng manager ni Nora Aunor

Matet-de-LeonKAY MATET de Leon mismo nanggaling na wala siyang kinalaman sa paglipat ni Superstar Nora Aunor kay Tita Angge bilang manager nito na siya ring manager niya.

“Alam ko, okey silang dalawa kahit Vilmanian pa si Tita A, pero magkaibigan sila ni Mommy. Siyempre masaya ako dahil kakasimula pa lang niya kay tita A eh marami ng magagandang nangyari kay Mommy. Imagine, napagkita niya si Mommy at si Kris Aquino tapos kabi-kabila pa ang pananalo ng award ni Mommy. Sana, makagawa si Mommy ng magagagandang projects pa,” sey ni Matet.

Ano naman ang masasabi niya na naiintriga na naman si ate Guy dahil sumipot itong naka-jacket lang sa katatapos na Star Awards?

“Naku…si Mommy pa? Kayang-kaya niya ‘yun. At saka mas komportable si Mommy sa kung anong gusto niyang isuot. Bagay naman sa kanya. Cute nga siya, eh,” simpleng sagot lang ni Matet.

Aminado si Matet na matagal na niyang hindi nakikita si Nor,a pero constant naman daw ang communication nila thru text.

“Malayo kasi ako. Sa Antipolo ako nakatira. ‘Pag ‘andito ako sa Quezon City, saka lang ako nakapapasyal kina Ate Lotlot de Leon, since ‘and’yan lang siya sa malapit. ”

Five months preggy si Matet at tuwang-tuwa siya na kahit buntis siya ay kinuha siya ng GMA 7 para isama sa InstaDAD.

“Nung tumawag sila sa akin, sabi ko, okey lang ba sa inyo na buntis ako? Ayun, pumayag sila. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanila, sa mga executive ng GMA 7, dahil kinuha nila ako kahit ganito ang hitsura ko,” masayang sey ni Matet habang hinahaplos-haplos nito ang kanyang tiyan.

Pang-apat na ang dinadala ni Matet. Namatayan pala siya ng anak na lalaki kaya mayroon siyang 3 babae. Kung buhay ‘yung anak niyang lalaki, sana’y naka-lima na siya.

“Hanggang ngayon nga iniisip ko ‘yung anak ko kung bakit namatay. Tinanong ko ‘yung mga doktor sa St. Luke’s… hindi nila ako nasagot. Hanggang ngayon, walang sagot. May heartbeat naman siya… pero ewan ko!” parang naiiritang sabi  ni Matet.

Mababait daw ang mga anak niya at Mama Nora ang tawag kay Ate Guy. Minsan daw ay naglilinis ng mga trophy ni Nora ang mga ito. Hindi pa raw tapos ay may mga dumarating na naman. Sey daw nu’ng anak niyang si Mikka, “Mommy ano ba ito? Ang dami-daming trophy ni Mama Guy, eh hindi pa kami tapos maglinis nu’ng iba.” Natatawa raw si Matet sa mga anak.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

One thought on “Matet de Leon, walang kinalaman sa pagpalit ng manager ni Nora Aunor

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.