Matatanggap na Lote ng Ilang Benepisyaryo ng Hacienda Luisita, Planong Ibenta

ILANG ARAW matapos umpisahan ang pamamahagi ng lot allocation certificates (LAC) ng Hacienda Luisita, ilang benepisyaryo nito ang nagbabalak na ibenta ang matatanggap na lupa mula sa gobyerno.

Sinabi ni Adolfo del Prado na kasama sa 6,000 benepisyaryo ng Hacienda na usap-usapan ang planong pagbebenta ng lupa ng kapwa niya mga magsasaka.

Ayon kay Prado, maging siya ay gusto ring i-pagbili ang 6,600 square meters na lupang makukuha mula sa gobyerno.

Noong nakaraang linggo, sinimulan na ang pamamahagi ng LAC sa 300 benepisyaryo ng hacienda sa pangunguna ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Virgilio delos Reyes.

Samantala, sa Agosto 21 inaasahang matatapos ang pamimigay sa tinatayang 4,100 na ektar-yang lupa ng hacienda.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.