Mataray na aktres, bangag sa taping ng isang game show?!

KINSA SIYA? SA taping ng isang game show sa isang malaking network, nagkulong daw sa CR ang isang napaglipasan nang aktres. Ang tagal daw talaga nito sa portalet na umabot ng isang oras at ‘di malaman ng staff and crew kung paano siya palalabasin dahil nga magti-take na.

Na-delay raw ang taping dahil ang tagal talaga niya sa CR. Hinala ng taga-production ay tumira raw ng bawal na gamot ang mataray na aktres. Nang lumabas na raw ito, inusisa ng co-host ng programa kung bakit ang tagal-tagal niya sa CR. Sagot daw nito, nagbuhos daw siya ng sama ng loob. Kaya naman biniro siya ng co-host ng programa na maghugas ng kamay at magsabon.

Pero walang naniniwala sa mataray na aktres. Ang paniniwala nila talaga ay nag-drugs daw talaga ito. Ayaw ni lolo niyan, hindi na siya talaga ang paborito niyang apo.

(By Arniel Serato)

loading...

19 thoughts on “Mataray na aktres, bangag sa taping ng isang game show?!

  1. WHAT?????? you call this karen delos reyes an actress ??? I never see her acting well in a tv series or movie.never a lead actress at  all just a supporting roles.

  2. Sino nman yang  karen de los reyes artista pala yan .never heard walang kwentang BI.  sana nman sa susunod yun nmang latest and pls lang yung sikat . Walang maisulat,kaya kahit di interesting.

  3. Pingback: Mataray na aktres, bangag sa taping ng isang game show?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.