MATAPOS UMAMIN NA SILA NA: KATHNIEL, kasalan na ang kasunod!

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

MATAPOS ikumpirma ni Daniel Padilla sa media na “official” na ang relasyon nila na dumalo sa grand launch ng pelikula nilang The Hows of Us, usapan naman tungkol sa kasal ang topic ng dalawa.

Yes, pwede na pagusapan ang magiging grand wedding ng KathNiel.

Kaso, paano magkakasundo ang magiging grandiosong kasalan kung magkaiba naman pala ang gusto nilang kasal nila?

Gusto ni Kathryn ng isang simple at intimate beach wedding while ang binata naman ay gusto na sa simbahan sila ikasal para makakadalo rin ang mga fans nila.

Sabi ng binata: “Naiisip ko lang, parang hindi ba nila deserve yun? Yung moment lang na yun. Pero it doesn’t mean na may pictorial dun. Wala, nandun lang sila.”

Na sundot na biro ng lady love ng binata: ”May meet and greet pa rin!”

Depensa ni Daniel sa kanyang idea na andun ang mga tagahanga nila at supporters: “Siyempre, pinanood nila yung journey natin. Di ba nila deserve makita kung saan napunta?”

May reaksyon bigla si Kathryn sa dream wedding nila: “Nagtatalo na kami yun pa lang. Problemahin na lang namin kapag malapit na.”

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “MATAPOS UMAMIN NA SILA NA: KATHNIEL, kasalan na ang kasunod!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.