Matapos tumanggi ni Robin Padilla: Willie Revillame, balik-Wowowee?!

OLA CHIKKA! HABANG tumatagal ay lalong dumarami ang mga ispekulasyon tungkol dito sa dating numero unong noontime show na Wowowee. Matapos simulan ni Cesar Montano ang pagho-host sa show, naglipana ang chikkang iiwan niya na rin ito, kapag pumirma na siya ng kontrata sa Kapuso Network. Nakasaad sa kontrata ang paggawa
niya ng teleserye, sitcom at movie under GMA Films at kung magiging Kapuso na siya, para saan pa at pinaunlakan niya ang pagho-host sa programa?

Binansagan mang ‘Bad Boy,’ taliwas naman ito sa totoong ugali ni Robin Padilla dahil sa pagtanggi niyang muling pagbalik sa Wowowee at bali-balitang magiging permanent host na siya dito. Sa kabila ng napakalaking talent fee at masayang crowd, nagawang tanggihan ni Binoe ang offer dahil daw sa kanyang personal values.

Hindi malinaw sa ilan kung ano ang tinutukoy ni Binoe dahil maaaring ayaw niyang mang-agaw ng show bilang respeto kay Willie. Maaaring ayaw rin niyang tanggapin upang hindi mapalaki ang isyu, at maaari rin namang ayaw niya ng ganu’n kalaking TF. Ano man ang dahilan niya, siya na lamang ang makapaglilinaw niyon.

Speaking of permanent hosts, naispatan daw itong si Willie Revillame sa bakod ng Kapamilya Network noong Martes dahil pinatawag daw ng management. Kaya kumalat agad ang isyu mula sa isang insider na maaari raw umanong magbalik-Wowowee na itong si Willie sa July 31, 2010.

Naalarma daw ang Dos nang ipahakot na ni Willie ang kanyang mga gamit sa Studio 3. Napapabalita ring nagpaplano na lamang bilhin ni Willie ang kanyang kontrata na prinesyuhan naman ng Dos worth P300 million daw. Oh, sige nga let’s wait and see na lang kung alin sa mga ito ang may katotohanan.

Babalik ba si Willie, o tuluyan nang iiwan ang Dos? Hmmm…

AT SPEAKING OF iwanan portion, bakit ang ibang artista, ganu’n ganu’n na lamang kung maghamon sa management or iwan ang career samantalang maraming talentadong tao riyan ang hindi man lang mabigyan ng break. Isa na rito ang magkapatid na sina Pytos at Skevie Kyriacou.

Si Pytos ay nakasama ko noon sa Masikip sa Dibdib at talaga namang napabilib ang marami matapos ma-nominate as best child actor sa halos sa lahat ng award-giving bodies. Maging ang director namin sa Masikip sa Dibdib na si Bb. Joyce Bernal ay napahanga rin niya dahil bilang baguhan ay hindi na masamang mapasama ka sa mga nominad bilang best child actor.Ngayon, hindi na siya maiko-consider na child actor dahil sa height niyang 6’2” at sa edad na 15 years old, magugulat ka na. Kung mabibigyan lamang siya ng magandang break ay malamang maging matinee idol ito dahil sa dimple pa lang na tulad ng kay Aga Muhlach, ngitian ka lang ay ulam na!

Kaya sana’y maalagaan siyang mabuti ng kanyang manager na si Manny Valera para hindi masayang ang talento nitong si Pytos.
Maging ang kanyang kapatid na si Skevie ay sayang din ang ganda at galing sa pag-arte. Napakatalino rin ng bata kaya kung mabibigyan lamang siya ng isang break, maaari mo nang itapat kay KC Concepcion! ‘Yun nga lang sadyang Mega Star ang nanay nu’n.

Ngunit, ‘wag ka, ‘Day! Itong si Mommy Myrna na butihing ina nina Pytos at Skevie, bonggang-bonggang star na rin dahil sa suporta at pagmamahal na ibinigay sa kanila ay winner na sila!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young singer na biglang lumagpak ang career matapos i-endorso ang ilang politician noong nakalipas na election?

Marahil isa rin sa dahilan ng pagkasira niya ay itong kanyang ina na mahilig mangialam halos sa lahat ng kanyang desisyon. Matapos ang kampanya, iba’t ibang negative chikka na ang kumakalat tungkol sa kanya.

Siguro, mas magandang hindi na lang siya nag-endorse. Eh, ‘di sana hanggang ngayon, bongga pa rin ang career niya! Ha-ha! ‘Yun na!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

20 thoughts on “Matapos tumanggi ni Robin Padilla: Willie Revillame, balik-Wowowee?!

  1. Diyos ko, kapal naman ng balat ni Kuya Wil, 80k na pala petisyoner di pa rin natitinag. Manhid talaga siya, kahit nagkamatay mga tao sa stampede, bale wala sa kanya, parang walang nangyari, saka yong mga ipinatalo na sina Villar, Roxas, Rico Puno, Legarda at iba pa. Dios ko po, certified jinx nga ata si Kuya Wil. Malas kahit saan pumunta. Makalayas na rin kaya sa kanya, panay kasi pamasahe niya sa akin, taga bili niya ako ng rugby, di kasi niya type ice o shabu, allergic daw siya don.

  2. tita swarding que horror si dabiana barretto aka claudine. pakisabi sa kanya na mag exercise kahit man lang yung mga daliri nya iangat nya. jusmio! hirap na hiap mag type ang elephant! hindi ko na maintindihan ang mga tweet nya dahil puro abbreviated na. kaya hayun nag unfollow na ako. nabobobo ako sa mga twit nya!

  3. I am 1000 percent sure na Willie is hindi na babalik sa Kapamilya Network.Hindi siya kawalan.Look at the ratings ng lahat ng shows ng Dos.Willie is gone.Tinatakot lang natin sarili natin baka bumalik siya.Huwag kayong mag worry.He is History.

  4. Tita Swarding was right .You cannot deny the fact that Sarah’s mother is a selfish greedy person.Her kahambugan nakaka epekto sa anak niya.We love Sarah kaya nga tita swarding and juday are trying so hard to free Sarah from her lazy and good for nothing parents.Para sa kapakanan ni Sarah iyan.

  5. naman swarding, sour-graping pa rin?
    hindi kasalanan ni sarah na tinanggal ka sa isang project ng viva. hahaha!!!

    bakla, wag mong pag-initan ang taong walang kasalanan sa’yo. if laos si sarah, ano pang tawag sa iba, nakalibing sa lupa?!

    ang laki ng galit mo sa viva, ha. nice move, though, target viva’s biggest star. that way, nakaganti ka sa kanila. nice.

    tanggapin mo na lang na hindi para sa’yo yung role na pinagpuputok ng butse mo. malay mo, may ibang project na talagang laan para sa’yo.

    move on.

  6. magmumukhang gago at gaga ang mga lopezes kung pababalikin si willie e binastos na nga kayo ng hambog na iyan turuan ninyo ng leksyon

  7. tita Swarding, For your info;..Wala kasi silang makuha don na marunong Gumawa at Mamigay ng pera. Ako lang yon, ako langggGGGGGG ! ! ! $$$$@#$%&*!! Si Luis at Robin, puro pacute lang naman ginagawa don, Si Mareil at Pokwang tsutsugihin ko na, niloko nila ako kc, hindi nila ako sinamahan kay Villar, naging balimbing sila, Eh ako naman nagcreate at dahilan kaya sila sikat ngayon. Mga balimbing sila@!#$%*&#!!!Si Cesar M. naman, hayon lunipat na sa GMA7, kasi nakahalata PAMASAK butas lang sila, okey???? Clear????

  8. hahahahahahahaha…. naka blind item na naman ang pamilya ng mga mukhang pera…. matapos magpagamit kay villar at loren show naman ang hindi sinipot….

  9. Bakit BABALIK SI WILLE REVILLAME SA WOWOWEE? Nag resign na ba si Jobert Sucaldito?

    O handa bang kainin ni Willie Yabang ang kanyang prinsipyo?

    Walang isang salita!!! Willie..wala kang bayag.
    Kapos ka na sa pera , ano?????
    Wala ka ng pera….kung wala ang Wowowee at ang TFC na nagbibigay ng mga dolyares na kinukupit mo..wala kang ibubulsa . Nawawala ang kayabangan mo.

  10. walang perfect sa mundo. tao din yan si sarah. kya dnt judge her. pansin u b? its nt about her attitude na iniintrga s knya. its the people that surrounds her. sarah is sarah. d pa yan laos tita swarding. wag u lng sisiraan.

  11. OVERRATED SI ROBIN PADILLA. PARANG NINGAS KUGON ANG PAGKA GUSTO NANG MADLA SA KANYA. PANANDALIAN LANG. MADALING MAKALIMOT ANG MADLA. PERSONALLY, I DON’T LIKE HIM. GINAGAWA LANG NIYA ANG PA-GENTLEMAN EFFECT PARA KUMITA. KAILANGAN RIN NIYA NANG TRABAHO. WHAT HE DID IS A PERFECT PROMOTION OF HIMSELF. WOWOWEE IS THE PLACE TO DO THIS.

  12. BI: SARAH GERONIMO

    PUKE kasi nitong si MOMMY DIVINE eh. akala mo mauubusan ng pera kaya hayun kaliwa’t kanan ang endorsements nila ng anak niya kesehodang hindi makasipot sa mga natanguang commitments.

  13. laos pa si sarah sa lagay na yan ha… may upcoming movie nga xa wid queen judy ann eh!!

    swarding.. mukha kang sardinas na inilagay sa bowl… halimaw!

  14. di naman siya ang umuo kay loren ung nanay niya at ung manager naman niya..a.rtista siya ginagawa niya lang kung anu ung arrangements

  15. Sarah Geronimo, ikaw ba yang blind item na yan???

    Infairness naman kay Sarah, sikat pa rin naman siya. Medyo pumangit image niya dahil kung anu-ano na lang endorsements ang tinatanggap niya. Dapat piliin niya nang mabuti hindi tanggap lang ng tanggap dahil sa laki ng ibabayad. Ikakasira din kasi niya yun kapag pumalapak ang inendorso niya eh….

    • KORAK

      dapat ang title ng next concert ni SARAH G. “OVEREXPOSED” kasi sa totoo lang ‘day nakakaumay na siyang panoorin, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.