Matapos sunugin ang bahay Kelot, binoga ang sarili

PATAY ANG 50-anyos na lalaki na sinunog umano ang sariling bahay at pagkatapos ay nagbaril sa sarili sa Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Keric Gasataya, residente ng Brgy. Progreso, Binalbagan.

Ayon kay Senior Insp. Albert Sy, hepe ng Binalbagan Police Station, nasunog ang bahay ng biktima dakong alas-8 kamakailan.

Matapos ang sunog ay nadatnan na lamang nila ang biktima na nasa ikalawang palapag ng bahay na sunog na rin ang katawan.

Nakita rin na may hawak itong air gun at nakatutok sa kanyang bunganga.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan na dalawang putok umano ang narinig ng mga kapit-bahay ni Gasataya at kanilang nakita na nagliliyab na ang bahay nito.

Sinasabi na walang ibang tao sa loob ng bahay nang mangyari ang insidente maliban sa biktima.

Napag-alaman na sa Amerika nagtatrabaho ang asawa nito at anak, kung saan halos 20 taon rin itong nagtrabaho sa nasabing bansa at nitong huli lang umuwi sa kanilang lugar sa Binalbagan.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa biktima para gawin ang nabanggit na krimen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.