Matapos sagasaan ang isang Chinese national Driver, sumalpok sa puno, patay

PATAY ANG isang 19-anyos na binatilyo matapos na masagasaan ang isang Chinese national sa national highway ng McArthur, Leyte.

Batay sa report ng mga awtoridad, nakilala ang driver na si Abby Archin, kung saan pinaniniwalaan itong nakainom.

Kinilala naman ang Chinese national na si Chao Din Lee, isang seaman, na naglalakad sa daan nang mangyari ang insidente kung saan na-bali ang paa nito.

Dahil naman sa ma-tinding impact ng pagkakabunggo sa punong mahogany ang naging sanhi ng pagkamatay ng binatilyo.

Dinala pa naman daw sa malapit na pagamutan ang driver ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.