Matapos Sabunin ni PNoy: NIA Chief, Patatalsikin na

KINUMPIRMA NI Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na patatalsikin na niya si National Irrigation Administration (NIA) General Manager Antonio Nangel.

Ito ay matapos niyang sermunan ang mga opisyal ng NIA sa nakaraang anibersaryo ng nasabing ahensya.

Dismayado ang Pa-ngulo kay Nangel nang madiskubre ng Department of Budget and Management (DBM) na 60-porsyento lamang ang accomplishment ng ahensya.

Ngunit lumalabas sa disbursement ng DBM na 100-porsyentong nagamit ang pondo nito.

Pinasisiyasat na rin ng Pangulong Aquino sa DBM kung paano ginamit ang pondo ng naturang ahensya.

Mananagot aniya ang sinumang nasa likod nito kung hindi maipapaliwanag ang kinapuntahan ng ibang pondo ng NIA.

Samantala, wala na ring plano si PNoy na ire-appoint si Nangel bilang pinuno ng NIA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.