Matapos Patayin ang Nobya; Kelot, Nagpatiwakal

PINANINIWALAANG LOVE triangle ang dahilan upang magpakamatay ang isang lalaki matapos na barilin hanggang sa mapatay ang kanyang nobya sa sa Brgy. Poblacion, Liloan, Cebu.

Una rito, natagpuan na lang ang duguang bangkay ni Nerio Tangcawan, 57, biyudo, at may tama sa ulo na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan habang katabi naman nito ang .38 revolver na ginamit sa pamamaslang.

Nakita rin sa ‘di kalayuan ang labi ni Leoditha Cañete, 49, hiwalay sa asawa kung saan tadtad ng tama ng bala ang katawan at likod ng ulo nito.

Sinasabing matagal nang nag-aaway ang dalawa dahil sa gusto nang makipaghiwalay ni Cañete sa nasabing lalaki dahil sa karelasyon nito na isang taxi driver na si Danilo Bereso.

Samantala, malaki ang paniniwala ng Liloan Police Office na maaaring hindi matanggap ni Tangcawan ang pakikipaghiwalay ng apat na taon nang nobya na naging dahilan upang patayin ito at magpakamatay rin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.