Matapos paghinalaang lover ni mister Dalagita, binugbog ng buntis na misis

PASA AT BUKOL sa katawan ang tinamo ng isang 16-anyos na dalagita matapos itong sugurin at bugbugin ng buntis na misis nang paghinalaan ang una ng huli na lover ng kanyang mister kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Isinugod naman sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon ang biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), ng Malabon, bago nagtungo sa himpilan ng Malabon police upang pormal na magsampa ng reklamo laban kay Rosalyn Tapia, nasa hustong gulang, ng Gulayan St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang aktong makita ng suspek ang biktima na nakasakay sa tricycle na minamaneho ng kanyang mister na si Joseph.

Agad na nag-init ang ulo ng suspek at sinugod nito ang biktima saka binugbog ang nabiglang si Joan. Natigil lamang ang pananakit ng suspek nang awatin na ito ng kanyang asawa.

Hindi naman ito pina-lagpas ni Joan at nagtu-ngo sa nasabing himpilan ng pulisya para pormal na magreklamo laban sa suspek.

Ayon naman kay Tapia, kaya nito pinaghinalaan ng kerida ng kanyang mister ang biktima dahil palagi nitong nakikitang nakaangkas sa tricycle ng kanyang asawa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.