Matapos masaksak ang apo Lola, lumagok ng toilet cleaner

ISANG 64-ANYOS na lola ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng toilet bowl cleaner matapos umanong masaksak nito ang kanyang dalawang taong gulang na apo sa Brgy. Linabuan Norte, Banga, Aklan.

Lumalabas sa ulat ng Banga Police Station, natagpuan ang biktima habang nakahandusay na sa loob ng kanyang silid at bumubula ang bibig.

Natagpuan din sa tabi ng biktima ang isang plastic bottle ng toilet bowl cleaner na wala nang laman.

Bagama’t isinugod pa sa Aklan Provincial Hospital, hindi na umabot nang buhay ang matanda.

Sinasabing nasaksak nito ang kanyang sariling apo na natamaan sa kamay matapos atakehin ng kanyang nervous breakdown.

Samantala, nakiusap naman ang pamilya ng biktima sa media na huwag nang pa-ngalanan ang mag-lola.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.