Matapos Mangumpisal na May Kulasisi; Mister, Nagpakamatay

NANGUMPISAL MUNANG may kulasisi bago nagbaril sa sarili ang isang 39-anyos na mister sa harapan ng kanyang misis sa Barangay Pook, Talisay City, Cebu kamakailan.

Tama ng bala ng baril sa ulo ang umutas sa buhay ni William Villanueva, barangay tanod sa nasabing barangay.

Lumilitaw na nakipag-inuman pa sa mga kaibigan ang biktima noong Biyernes ng gabi na inabot ng hanggang pasado alas-12 ng madaling-araw bago ito umuwi.

Bitbit ang matagal nang itinatagong lihim at dala marahil ng surot ng konsensiya ay inamin ng biktimang senglot sa kanyang misis na si Edna Villanueva na nagkaroon siya ng relasyon sa ibang babae.

Ayon pa sa biktima, may asawa na rin ang babae na nang mabatid ang bawal nitong relasyon sa kanyang mister ay pinagbabantaan ang kanyang buhay.

Nagimbal na lamang ang asawa ng nasabing mister na matapos mangumpisal, bigla nitong ipinutok sa kanang bahagi ng ulo ang hawak na cal. 38 revolver kung saan naglagos sa kaliwang ulo.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara nang dead on arrival.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.