Matapos malasing sa alak Pintor, todas sa bangungot

HINDI INAKALA NG isang pintor na huling tagay na pala nito ng alak matapos tuluyan ng hindi magising habang himbing na natutulog nang bangungutin ito kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Isang malamig na bangkay na ng matagpuan ang biktimang si Allan Federis, nasa hustong gulang at stay-in pintor sa pinagtatrabahuan nitong gusali na matatagpuan sa Biglang-awa Macabagdal St., Bgy. 96, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima sa pinagtatrabahuan nitong gusali na pag-aari ni Ferdie Domingo.

Ayon sa isang kasamahan ng biktima (hindi na nakuha ang pangalan) bago ang insidente ay nag-iinuman pa sila nito at ng malasing ay natulog na sila, ngunit kinaumagahan ng gisingin nito si Federis ay hindi man lamang sumasagot o humihinga.

Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang nasabing insidente kung saan nirespondehan ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Northern Police District Office (NPDO).

Sa pagsisiyasat, hindi man lamang nakitaan ng anuman sugat sa katawan ang biktima o palatandaan na pinaslang ito na magiging dahilan ng kanyang pagkamatay.

May hinala ang pulisya, na sa sobrang kalasingan nito ay binangungot na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Sa kabila nito, patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Caloocan police upang alamin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.