Matapos Makipaglibing 57-Anyos na Guro, Patay sa Tricycle; 4 pa Sugatan

 

PATAY ANG isang 57-anyos na guro matapos aksidenteng mabangga ang sinasakyang tricycle kahapon sa highway ng Brgy. Tumaga, Zamboanga City. Ang apat pa nitong kasama na mga guro rin ay sugatan na sinugod sa ospital.

Ayon sa pulisya, nagngangalang Prescilla Fernandez Estrella ang namatay na guro. Batay rin sa ulat, isang guro rin ang may-ari ng naaksidenteng tricycle na pinangalanang Alejandro Hetutua. Nakilala rin ang drayber na si Joseph Lumana na isa pang guro.

Nakipaglibing aniya ang mga guro sa isang pribadong sementeryo at pauwi na sana ng diumano nawalan ng preno ang tricyle. Bumangga ito sa isang poste sa tabi ng kalsada. Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang mga biktima. Grabeng sugat at bugbog ang tinamo ng 57-anyos na guro na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nakaapekto rin ito sa mga estudyante dahil hindi lamang sila nawalan ng isang guro, kinulong pa ang isa nilang guro na siyang may-ari ng tricycle.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente kung saan inimbitahan din ang tatlong iba pang sangkot. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.