Matapos Makipag-Break sa GF; Kelot, Nagbigti

NAKABITIN SA puno ng mangga at wala ng buhay nang matagpuan ang isang 29-anyos na lalaki sa Barangay Agbalo, Panay, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Noel Gonzaga, ng Barangay Cagay, Roxas City at nagtatrabaho bilang kargador ng isang softdrink company.

Base sa ulat ng mga awtoridad, natagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktima na nakatali ang leeg sa lubid at nakabitin sa puno ng mangga sa likod ng kanilang inuupahang bahay.

Isinugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na nailigtas matapos na maging kritikal ang kondisyon nito.

Samantala, bago pa naganap ang insidente, nakita pang itinapon ni Gonzaga ang kaniyang cellphone matapos makasagutan ang sinasabing nakahiwalayang kasintahan nito.

Nakipag-inuman pa ang biktima sa kaibigan nito at umuwing lasing bago pa naganap ang pagpapatiwakal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.