Matapos makipag-away sa misis: mister, tumalon sa tulay; anak dinamay

DAHIL SA away mag-asawa, tumalon sa tulay ng Generoso Bridge Bankerohan Davao  City ang isang ama bitbit pa ang kanyang isang taon at walong buwang gulang na anak.

Nagkagulo ang mga residente sa SIR Phase 1, Matina matapos tumalon sa tulay ang isang alyas Ranz kamakailan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Talomo PNP, nag-away umano ang lalaki at ang misis nito na naging dahilan upang maglasing ito.

Sinasabing lasing ang lalaki nang tumalon sa tulay dala ang kanyang  sariling anak.

Mabuti na lamang at nakita ito ng isang bangkero at mabilis na tinulungan at dinala sa gilid ng Davao River ang mag-ama.

Matapos matingnan ng rescue team na hindi delikado ang kalagayan ng paslit, agad naman itong kinuha ng ina.

Sa kabilang dako, dinala naman ang nasabing mister sa Talomo Police Station at matapos ang ilang oras na pakikipag-usap sa misis ay nagkaintindihan din ang dalawa kaya hindi na makukulong ang lalaki.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.