Matapos makipag-away kay Mister Misis, tumungga ng chlorine

LUMAGOK NG chlorine ang isang misis matapos silang mag-away ng kanyang mister.

Ang biktima ay kinilalang si Salama Palati, 26, na taga-Davao del Sur at nakatira sa General Santos City.

Ang biktima ay natagpuan ng kaniyang tiyuhin na si Forting Palati na bumubula ang bibig kaya’t kaagad na itong isinugod sa ospital.

Sinasabing matapos makipag-away ang misis sa kanyang mister sa hindi pa malaman na dahilan ay bigla itong tumungo sa kusina at agad na uminom ng chlorine.

Samantala matapos namang mabigyan ng gamot ng doktor, kaagad ding nakalabas sa ospital ang naturang misis.

Nagbigay naman ng paalala ang doktor sa mga kamag-anak ng biktima na bantayan ito nang maigi para hindi na maulit ang ginawa nito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.