Matapos makapanganak Regine Velasquez, ready na ulit sumabak sa biritan

NAALIW NAMAN ako sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez nang magpa-presscon ito para sa concert ni-lang pinamagatang Mr. and Mrs. A.

Ang saya-saya nilang kausap sa presscon na ‘yun dahil nakikita mo namang masaya sila sa kanilang pagsasama.

Malaking bagay ang pagdating ni Baby Nate sa buhay nila, dahil iba na ang bonding nila gawa nang may inaalagaan na silang baby.

Dinala nga nila sa presscon nu’ng kamakalawa ng hapon at proud na proud silang ipinakilala sa movie press.

Ang sabi pa ni Regine, merong participation si Baby Nate nila sa kanilang concert, pero hindi naman nila sinasabi kung ano ito, basta sorpresa raw.

Medyo malusog pa si Regine nang nakatsikahan namin at patuloy pa raw siyang nagpapayat para sa concert.  Madali lang naman daw siynga pumayat kung gugustuhin niya dahil kaya niyang mag-diet, pero ayaw niyang gawin ‘yun dahil nagpapadede siya sa baby niya.

Feel na feel niya ang magpa-breastfeed, at gusto nga raw niyang kahit isang taon ay magpapadede siya sa anak niya.

Talagang kinakarir niya ang pagiging ina, kaya kahit unti-unti na itong nagbabalik trabaho sa showbiz, medyo limitado pa rin dahil ang baby nito ang priority niya.

Ayaw nga raw muna niyang mag-soap dahil madugo ang taping na magdamagan, at hindi puwede ‘yun sa pagpapadede niya kay Baby Nate.

Ang laki raw talaga kasi nang ipinagbago ng buhay niya nang dumating ang kanilang anak, kaya ninanamnam niya ito lahat.

Malaki rin ang pasasalamat niya dahil hindi naman daw nabago ang boses niya at nakakapagbirit na siya nang bonggang-bongga pagkatapos niyang manganak.

Akala nga raw niya, mababago ito dahil na-caesarian siya, pero nabalik naman daw sa dati at bonggang-bongga na siya sa biritan.

‘Yan ang isa sa aabangan natin sa darating na concert nito sa February 14 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

 

SA LINGGO na pala bibinyagan ang baby nina Ogie at Regine, at siyam na pares daw ang kinuha nilang ninong at ninang.

Ilan sa mga ninong at ninang na kinuha nila ay si Sen. Bong Revilla, ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, Dingdong Dantes, Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at nakalimutan ko na ang ibang nabanggit ni Ogie.

Ang dinig ko gagawin ito sa Don Bosco Church sa Makati sa Linggo ng hapon.

Sabi ni Ogie, bale Catholic na binyag daw muna, dahil meron ding dedication para sa kanilang mga Christian, pero wala pa itong schedule.

Sina Gary Valenciano at Piolo Pascual daw ang ilan sa mga ninong na kukunin nila sa dedication.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Matapos makapanganak Regine Velasquez, ready na ulit sumabak sa biritan

  1.  GREEDY COJUANGCOS:

    If Corona gets convicted by the impeachment court, and the new chief justice would be “friendlier” to Malacañang, it will only be a matter of time for the President’s family members to get no less than P5 billion. It will be like winning the lottery.

    The Cojuangcos claim in their motion for reconsideration that just compensation should be based on 2006 values, which would put the land at P1 million per hectare instead of P40,000 per hectare.

    Are the Cojuangcos that lucky? Hacienda Luisita has already been connected to an expressway. It has business enterprises, malls and restaurants to its name.

    And if a new chief justice is appointed, what will happen to the decision for the Cojuangcos to turn over P1.3 billion to their tenant-farmers? It’s all too clear now. The Cojuangcos will prevail, justice be damned!

    –Emil Jurado, Manila Standard

Leave a Reply

Your email address will not be published.