Matapos makabangga… Brgy. Chairman, nahaharap sa patung-patong na kaso

PATUNG-PATONG NA KASO ngayon ang kinakaharap ng isang punong barangay matapos nitong mabangga ang isang binata na naka-motorsiklo habang ang una ay minamaneho ang kanyang sasakyan, inulat noong Sabado ng hapon sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Slight Physical Injuries, Damage to Property at Violation of Section Rep. Act 4136 of LTO or Unregistered Motor Vehicle sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Sonny de Luna y Castillo, 29, Barangay Chairman ng Brgy. 67, Caloocan City, at residente ng No. 286 P. Gomez St., 10th Ave. ng nabanggit na lungsod.

Ginagamot naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC), Caloocan City sanhi ng mga tinamong sugat at pasa sa katawan ang biktimang si Joy Manuel Javier, 22, OFW, ng No. 369-A P. Sevilla, 10th Avenue, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng isang bahay sa naturang lugar, habang lulan ang biktima ng XRM-Honda na motorsiklo na may plakang XI-4705 nang mabangga ito ng suspek habang minamaneho ang Toyota RAV-4 na may plakang XHZ-521.

Binabaybay ng biktima ang naturang lugar pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang itong masagi ng suspek na naging dahilan upang sumemplang ito sa motorsiklo. Agad naman itong humingi ng tulong sa ilang nakakita sa pangyayari upang magpadala sa naturang pagamutan.

Hindi naman nagawa pang tumakas ng suspek matapos rumesponde ang mga awtoridad at dinala ito sa himpilan ng Caloocan police at dito nadiskubreng hindi ito naka-rehistro sa LTO.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.