Matapos makaaway ang misis MISTER PATAY SA DALANG PATALIM NANG MADULAS

HINDI INAKALA NG isang mister na ang kanyang pakikipagtalo sa kanyang misis ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos itong madulas at aksidente tumama sa dibdib ang dalang patalim sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na ideklarang dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tinamong malalim na sugat sa dibdib ay nakilalang si Rommel Pilapil, 38-anyos, store owner at residente ng #1 Don Basilio  Bautista Blvd., Brgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Sa pinagsamang imbestigasyon nina SPO3 Ferdinand Espiritu at PO3 Robert Miclat, kapwa may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 2:30 ng hapon sa harapan ng tindahan ng biktima.

Ayon sa mga nakasaksi, unang narinig ng mga ito ang biktima at ang kanyang misis na nakilalang si Irish Pilapil na nagtatalo sa hindi malamang dahilan.

Kumuha umano ng patalim ang biktima ngunit agad naman itong naagapan ng kanyang mga kaanak at matapos ang pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa ay naayos din ang kanilang gusot.

Nang naglalakad na ang biktima nang aksidente itong madulas at tumusok sa dibdib ang dalang patalim dahilan upang agad itong isugod sa Pagamutang Lungsod ng Malabon (PLM) ngunit agad ding inilipat sa JRMMC ngunit idineklara itong dead-on-arrival. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.