Matapos Mailit, Bahay Sinunog ng Dating May-ari

 

SINUNOG UMANO ng da-ting may-ari ang bahay nito sa No. 17 Marunong Street, Barangay Central sa Quezon City.

Ayon sa testigong si Romeo Potenciano, nakita niya umano si Eduardo Agoncillo, isang retired accountant na nagmamadaling lumabas sa dating bahay nito. Bitbit nito ang isang bote ng softdrinks bago sumakay sa taxi kasama ang ina at anak nito.

Kerosene umano ang laman ng bote na pinabili umano ni Agoncillo noong mga nakaraang araw. Depressed umano ito matapos mailit ang lupa ng bangko at maibenta sa iba.

Sa isang barung-barong na lang umano nakatira si Agoncillo, na pinatayo niya sa natirang bahagi ng kanyang lupa.

Agaran namang naapula ang apoy. Maaring tingnan ang anggulong arson ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.