Matapos magwagi ng Diamond Award Nina, nagtaas na ng presyo? – Alex Brosas

HOW TRUE NA sobrang taas na ang talent fee ng Soul Siren na si Nina?

Feeling kasi ng isang booker, hindi makatarungan ang ibinigay na presyo ni Nina nang mag-inquire siya recently para sa isang fund-raising concert for the victims of typhoon Ondoy.

Nag-quote raw kasi si Nina ng P150,000 para sa nasabing concert na gaganapin either End of November or early December.

Siyempre, nagulat ang booker dahil hindi naman niya alam na ganoon kamahal ang singer. Ang katwiran pa nga niya, para naman iyon sa kawanggawa kaya bakit naman daw ganoon kataas ang ikinowt ng singer? Isa pa, hindi naman kalakihan ang kanilang venue, isa lamang itong comedy bar sa may Tomas Morato, Quezon City.

May kinalaman ba ang Diamond Award ni Nina sa pagtaas ng kanyang presyo? Just asking!

[ad#post-ad-box]

HINDI NAMAN PALA nawala sa eksena itong si Champagne Morales. Very much in pa rin naman pala siya sa showbusiness.

Napanood namin si Champagne sa imbitasyon na rin ng ina niyang si Dinah Dominguez last week para sa Crusade Against White-Collar Crimes’ fund-raising concert for typhoon victims sa Topgear Resto and Bar sa Roxas Blvd.

Sa ngayon, binabalanse ni Champagne ang career niya sa showbiz as corporate world. Involved siya sa sales department ng isang leisure property company.

“I’ve been doing it for three years now. In terms of value, one big property na nabenta ko is aboutP12.5 million lang po. Sobrang swak na swak nga po ito dahil I’m hosting Celebrity Homes and Business,” say ni Champagne.

Nakadalawang album na pala si Champagne, una ang self-titled album from Sony music, followed by a rock album from Vicor.

Champagne took up AB Psychology sa De La Salle University, one of the reasons why nag-lie low muna siya sa showbiz.  Nagtrabaho rin siya sa Stargate Media bilang writer at events manager.

Nasa Viva na si Champagne at kasama sa kontrata niya ang paggawa ng album. Pero, ang focused ngayon ng dalaga ay ang hosting.

“I started naman in theater. Right now, hosting first and maybe a little acting on the side,” say ng dalaga.

Yes, may boyfriend na si Champagne at may blessing naman ito ng kanyang ina si Dinah na sexy pa rin at parang hindi tumatanda.

AS WE WRITE this ay nasa US pa si Lance Raymundo matapos dumalo sa screening ng indie movie niyang Fidel sa Filipino International Film Festival sa Los Angeles noong October 18. Ipinalabas ang Fidel sa Regency Fairfax Cinema.

This is Lance’s first time to attend an international for Fidel. Obviously, very happy siya sa naabot ng kanyang pinaghirapang pelikula.

What he did forget is to include his manager Charlotte Dianco sa pagpunta niya sa US. Si Charlotte na siyang matiyagang nag-alaga sa kanya, na ginawa ang lahat para lamang umangat ang pangalan niya, na nagsulat ng Fidel, ay naiwan sa Pilipinas.

Hindi ba kaya ni Lance na abonohan man lamang ang plane ticket ni Charlotte para makasama niya ito sa very important festival para sa kanilang dalawa? Pareho nilang first ang pag-attend sa Filipino International Film Festival sa US at maganda sana kung naroon sila pareho. Was Charlotte robbed of the opportunity na maka-attend ng international film festival bilang writer ng isang indie film? Feeling ko,  yes!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

13 thoughts on “Matapos magwagi ng Diamond Award Nina, nagtaas na ng presyo? – Alex Brosas

  1. TF ni Gabby, mas mataas kina Piolo at Aga?
    By: Vinia Vivar
    Ang bawat taping day niya, nagkakahalaga ng tumataginting na P125,000 with a minimum of two taping days per week at guaranteed 56 taping days per episode. Lumalabas tuloy ngayon na isa pala si Gabby sa highest-paid actors ng ABS-CBN at mas mataas pa umano ang TF nito kesa sa mga dinatnang top stars ng ABS-CBN.
    ***************************

    Ganun si Richard Gutierrez & Robin Padilla 250k ang per taping Day sa GMA kalaoka!

  2. Yung ex-boyfriend niya ,that will remain nameless, binayaran na ba ang milyon na inutang niya kay Nina? Bait kasi nito kaya bigay kaagad.

  3. of course may dahilan na magtaas ng fee si Nina, awards equal to higher talent fee. BOBO ba talaga itong writer na ito? susme kung ayaw ng presyo e di maghanap ng ibang singer. doon sya sa GMA maghanap kasi piso isang tumpok ang bayad sa mga singers doon.

  4. isang mapanirang sulatin para mapilitan si nina na pumayag sa cheap sho! isa pa dapat lang na amgtaas sya ng presyo! helo! nina yan! si jonalyn ang kunin kung gusto ng mura!

  5. ginagawa naman tayung boba nang mga writer na eto, paano ka mag produce ng isang show na nasa comedy bar lang ang venue kung ang ine expect mo e may konting pangalan ang talent na kukunin mo? gagamitin pa ang charity ng ondoy para makapanloko. tumigil nga kayo.

    • product of media hype ba kamo? eh low-profile lang nga si nina pero nakaka tanggap pa rin nang diamond award! and she does have a good singing voice, huwag na maging bitter!

      siguro naman meron naman syang karapatan mag taas nang presyo, pinaghirapan nya rin ang status nya ngayon. tulad din sya nang ibang singers struggling to penetrate the music industry, pero ilan ilan lang ang nabibigyan nang opportunity to be this successful.

      • but as u can c 1 fund-raising concert for the victims of typhoon Ondoy ang ga2win…at 1 maliit na karaoke bar lng dba?
        pwede nmng cgurong kung hndi man libre ba2an nlng
        4 d sake nmn un ng mga kba2yan ntin.
        ung mga nagbi2gay na sobrang taas na presyo na gnyan…ayaw lng tlgang tanggapin ang imbitasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.