Matapos magpiyansa sa Libel case
Sarah Lahbati, binuweltahan din ng 2 kaso ang GMA exec

BONGGA TALAGA ang Sarah Lahbati! Ang tapang, ha!

Kaya pala bumalik siya rito dahil magsasampa siya ng kaso at haharapin din niya ang kasong Libel na isinampa sa kanya Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Sabi nga ni Ma’am Annette, mabuti raw at hinarap ito ni Sarah para lumabas na ang buong katotohanan.

Pero nu’ng kamakalawa lang, dalawang kaso ang isinampa ni Sarah laban kay Ma’am Annette.

Nagsampa siya ng kasong Grave Coercion sa Quezon City-RTC na isinampa niya nu’ng umaga. Tapos sa hapon, sa Makati-RTC naman siya na kung saan isinampa niya ang kasong Perjury laban pa rin kay Ma’am Anette.

Palaban ang Sarah, ha! Matagal ang tatakbuhin ng kasong ito. Paano nila mami-maintain ‘yan. Susuportahan siya nang bonggang-bongga ni Richard?

Ang sabi lang ni Sarah, kailangan daw niyang panindigan at harapin ang mga ibinibintang sa kanya. Kaya siya nagsampa pa ng kaso para lumabas na ang katotohanan.

Eh, ganu’n din ang unang reaksyon ni Ma’am Anette. Mabuti raw at lumapit si Sarah sa proper venue, at mabuting ganu’n na raw ang mangyari para lumabas na ang buong katotohanan.

Pero ang tingin ko diyan, magkakaayos din ‘yan sila at magkakabati-bati. Ang ending niyan, balik-Kapuso din si Sarah. Tingnan na lang natin.

Pero ang sabi ni Sarah, aalis siya uli, pero ayaw niyang sabihin kung saan. Ang dinig ko, babalik siya ng Switzerland.

Pero ang isa pang malaking isyu sa kanya, bakit ayaw niyang sagutin ang isyung buntis?

Ang sabi lang niya, inililhis lang daw ang totoong isyu. Hindi naman siguro. Ang dali lang namang sagutin ‘yan kung totoo o hindi.

Hay, naku! Sana nga lumabas din ang buong katotohanan!

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Matapos magpiyansa sa Libel case
Sarah Lahbati, binuweltahan din ng 2 kaso ang GMA exec

  1. IKAW LOLIT….MATANDANG HUKLUBAN PAG NAMATAY KA DI KA RIN TATANGGPIN NI SATANAS KASI TAKOT YUN NA MAHARBATAN MO. KAYA MAKAKASAMA MO YANG MGA TAGA GMA NA GANID AT AMOY BUWAYA NA TULAD MO.

  2. naku sara aabutin ng syam syam ang kaso mu kalaban mu mapera ke tama ka o mali pera pera lang yan.mabuti pa alagaan mu ang baby nyo ni rg congrats nga pala at least di mu pinaabort si baby bad yun.malay mu pag laki nya sya ang magbibigay sayo ng swerte someday magiging proud ka rin sa baby nyo ni rg.dai papunta ka pa lang pabalik na ang mga tsismosa lol!i’m sure susuko ka rin at magkakabati kayo ni atty gozon take it or leave it ang peg dahil mamumulubi ka sa kababayad ng abogado mu kulang pa ipon mu dai sa pambayad mu sa abogado.good luck na lang ining

  3. TAMA ANG GINAWA NI SARAH !SANA ANG LAHAT NG BINIKTIMA NG GMA 7  AY LUMABAS,SOBRANG swapang ng MGA INTSIK na to gusto pang madoble ANG commission ,WALANG awa SA talents nila na halos WALA ng kinita ,SO LAHAT NG MG INIEXPLOIT NG GMA LABASSSSS NA! NAPAKADAMI NYO!TULUNGAN NYO SI SARAH PARA MAKULONG ITONG MGA BUWAYANG EXECUTIVES NG GMA  NA SOBRANG YAMAN PERO SOBRANG KURIPOT NA HALOS AYAW BAYARAN MGA TALENTS NILA!!!!!!

    • BIG CHECK…..TAMA…..MGA GANID NA BUWAYANG LUMALAKAD SA DALAWANG PAA. AYAW MAMATAY NG MGA GANID NA YAN KASI DI SILA TATANGGAPIN KAHIT SA IMPYERNO. THREAT DAW SILA KAY SATANAS…

  4. Eto talaga si Lolit Concepcion oh…Kelan tumapang yan si Lahbati-ba.Matapos tumakbo sa kaso sasabihin mong matapang. Kaya bumalik ng Finas yan eh namaga ang Keps nya tulad ba nung aso na pag namaga ang keps it means naglalandi pag naglalandi eh gustong patengteng. Sinong tetengteng.. Sino pa kundi si Chard “Charot” Gutierrez. ang BF nyang badiday.

Leave a Reply

Your email address will not be published.