Matapos magnakaw, kasambahay bumalik pa sa bahay ng amo

SWAK SA KULUNGAN ang isang kasambahay matapos itong hulihin ng mga awtoridad nang nakawin nito ang mga mamahaling alahas ng kanyang amo na aabot sa halagang P1.1 milyon kahapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Qualified Theft ang suspek na si Mary Grace Gallena, 19, tubong-Brgy. Calumpang, Milagros, Masbate at stay-in housemaid sa # 33 Paz St., Morning Breeze Subdivision ng nasabing lungsod.

Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jocelyn Santos, nasa hustong gulang, negosyante at naninirahan din sa naturang lugar upang pormal na magharap ng reklamo laban sa kanyang katulong.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-6:30 ng gabi noong August 26 nang buksan ng suspek ang drawer ng kanyang amo.

Hinanap ng suspek ang mga mamahaling alahas ng kanyang amo at nang makita ay agad na umalis ng bahay dala ang mga ninakaw.

Pagbalik ng katulong ay sinabi nito na kaya niya kinuha ang mga alahas ng kanyang amo ay dahil nakatanggap ito ng tawag mula sa telepono na nagsasabing naaksidente si Santos tulad ng ginagawang modus operandi ng Dugo-Dugo Gang.

Hindi naman ito pinaniwalaan ni Santos dahil ayon pa rito, kung totoo ang alegasyon ng suspek ay bakit hindi nito sinabi sa kanyang mga anak ang natanggap na tawag samantalang nasa loob lamang ng bahay ang mga ito.

Dahil dito, agad na nang-hingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktima upang ipaaresto ang suspek na hindi na nagawa pang makapanlaban.         (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.