Matapos magkomento sa away ng mga Barretto
Lolit Solis, na-trauma sa natanggap na mura at lait sa text

BLIND ITEM: From a person in the know namin nalaman kung bakit ayaw makasama ng kanyang mga anak ang kanilang ina, now happily married to another man.

Lately kasi, nagtutungayaw na naman ang ina, pleading with her ex-partner na payagan siyang makita man lang uli ang kanilang mga anak. As far as legalities are concerned, Malaya namang bisitahin ng ina ang mga bagets, the problem is, it’s the children who have turned their backs on their mother.

Nakausap namin ang isang tao who provided us with the answer to the puzzle: Ano nga bang dahilan kung bakit tinalikuran na ng mga anak ang kanilang ina?

Kuwento ng aming source, “Eh, paano naman kasi, one time, during their happier times, eh, nagpunta ang buong pamilya sa Boracay. Mga ilang araw din sila nag-stay du’n. ‘Yung babae, walang gabing hindi naglalasing, ewan ko kung nu’ng time na ‘yon, eh, nagkakaproblema na sila nu’ng dyowa niya.

“Okey na sana ‘yung gabi-gabi siyang bangenge.  Ang nakakaloka, kung sinu-sinong mga lalaki ang kalandian ng hitad… at mismong mga anak niya pa ang nakahuli sa kanya! Siyempre, may isip na rin ‘yung mga bagets, kaya mula nu’n, malayo na ang loob ng mga bata sa madir nila!”

Da who ang madir na ito? Katunog ng kanyang pangalan ang isang sikat na martial artist, isang tumatakbong senador at isang mestisang aktres na hiwalay na rin sa kanyang asawang aktor.

INAMIN NI Lolit Solis na-traumatize siya makaraang umere ang Startalk episode nitong April 27 hindi pa man nakakaalis ang van palabas ng parking space sa labas ng GMA.

Nagsilbing centrepiece kasi ng episode na ‘yon ang isyung kinapapalooban ng pamilya Barretto, kung saan tatlong bahagi ang ipinalabas ng programa. In one segment ay isinalang ang mga host sa Itapat Sa Apat kung saan there’s the usual trade of opinions and comments relevant to the issue.

It was Lolit’s turn to give her thoughts kung ano ang kanyang masasabi sa pamilya now enmeshed in a web of scandal. “’Di ba, para silang mga tinder? Talaga palang money cannot buy breeding,” buong-ningning niyang deklarasyon, as opposed to her sheer admiration towards Mommy Klenk who stood away from the issue involving her daughters Ara Mina and Cristine Reyes.

Emote ni ‘Nay Lolit, “Naku, hindi pa man nai-start ni Junior (driver niya) ‘yung sasakyan, naloka ako, ang dami-dami na palang nagte-text sa akin, minumura ako! Mga number lang naman ‘yon, kaya malay ko kung sino sila. Imagine, sabihan ba naman ako ng, ‘Put…ina mo, Lolit! Palibhasa wala kang pinag-aralan!’ et cetera, et cetera.”

May ideya ba ang manager-host kung sino ang most likely texter na ‘yon?

“Meron!” walang kagatul-gatol niyang sagot. “Si (pangalan ng aktres) ‘yan, for sure. Eh, siya lang naman ang nakakaalam ng number ko, ‘no!”

 

AS WE write this ay nagpulong kahapon, Huwebes, ang mga kinatawan ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc.). Ang agenda: ang kaso ng kanilang kabaro at co-member na si Popoy Caritativo who was junked by Marian Rivera as her manager.

Teka, all along we thought that all was well that ended well? Hindi nga ba’t si Marian na mismo ang nagsabi that after Popoy read her letter, the latter understood her reason for leaving his stable of artists?

Ayon na rin kay ‘Nay Lolit, ang scheduled PAMI meeting na ‘yon ay bilang suporta sa kanilang kasamahan. “Okey naman talaga kay Popoy ‘yung naging desisyon ni Marian. Ang tampo lang ni Popoy, eh, nu’ng nagre-request siya na for the last time, eh, mag-usap man lang sila ni Marian at tinanggihan siya.”

In the same breadth, consistent din kami sa aming posisyon na walang iniwan ang paghihiwalay nina Marian at Popoy sa mga magkasintahan o mag-asawa. Seven years of professional relationship is not easy to let go.

But if certain circumstances warrant separation, huwag naman sanang idaan lang sa sulat (eh, ‘di sana pala tinext na lang ni Marian si Popoy, ‘di ba?). A sit-down conversation would have been ideal.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

9 thoughts on “Matapos magkomento sa away ng mga Barretto
Lolit Solis, na-trauma sa natanggap na mura at lait sa text

  1. Hello There. I found your blog using msn. This is
    a very well written article. I’ll make sure to bookmark it and return to read more of your useful info. Thanks for the post. I will definitely return.

  2. Si Gretchen yung may alam nang number ni Lolit. 2007 ata yun nagka-issue between Greta at Lani Mercado. Dahil dyan nakaaway na din ni Lolit si Greta. Nagkaroon nang word war si Greta at Lani na ang pinagmulan ay yung pagkakaroon nang affair ni Greta kay Bong Revilla. Manager si Lolit ni Bong and Lani. According kay Lolit, isang araw tinawagan daw sya ni Toni Boy Coungco at nag ask nang paumanhin para sa inasta ni Greta. Pagkatapos sya kausapin ni Tony Boy pinasa ni Tony Boy ang phone kay Greta at pinakausap kay Lolit. So, noon palang alam na Greta at Tony Boy number nya.

  3. Nanonood ako ng Survivor ng GMA 7 si Jackie Foster kasama sa grupo, naku sobrang manlait at sobrang tapang. 

  4. di kaya c claudine ang nagtxk saiyo manay lolit, kc napanood ko s youtube muntik lang madulas c claudine malutong n mura ang narinig s kanya.

  5. jackie foster.. kaya mga anak niya ayaw talaga sa kanya. buti nga kay benjie  nakatira mga anak nila lumalaki na magalang at mabait.

    • mismo ang mga anak ni jackie forster tumestigo sa korte laban sa kanya  kaya pinagbasehan lang nung judge ngbigay ng custody kay benjie yung mga kinuwento ng mga bata!   dapat lang kay benjie paras napunta yung mga bata pano kung kay jackie anong makkita ng mga bata  puro milagro!  maganda pagpapalaki ng madrasta dahil sa kanya lumaki mga anak ni benjie kailangan ng panahon para  malimutan  nakatanim sa utak ng mga bata.hind naman pinpigilan ni benjie si jackie sabihn niya wal siyang mapgbuntunan kasi mismo mga anak niya  ang lumalayo sa kanya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.