Matapos maghiwalay at magkaroon ng kani-kaniyang pamilya Richard Gomez at Dawn Zuleta, napanatili ang magandang friendship

IKINATUWA NAMIN ang pagbabalik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa bagong Primetime teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN na dinirek ni Jerry Lopez Sineneng. Nagkahiwalay at nagkaroon ng sari-sariling pamilya pero nagpatuloy pa rin ang kanilang communication as friends kahit nasa pulitika ang kani-kanilang asawa.

“Well, eversince na nag-asawa na kami, I think through the years we kept in touch and we also done a couple of project. This is the first time we pair-up in a teleserye. Kahit may kanya-kanya na kaming buhay, kahit papaano we manage pa rin to keep in touch. Kasi maski si Lucy (Torres) noon mayroon siyang show, gumi-guest rin ako sa TV show niya. Naging friends din kami so, we keep in touch also,” sambit ni Dawn.

“Alam mo, very unique ‘yung friendship namin ni Dawn. Most couple, specially showbiz couple, after breaking-up hindi na sila nag-uusap. Hindi na sila nagkikita, they didn’t work together anymore. But in our case, kami ni Dawn, we remain good friends and now mayroon kaming teleserye. We’re very comfortable doing this as love team, as lovers on screen. I can say, we’re very lucky kasi ‘yung spouses namin they understand the kind of work na ginagawa namin. Especially my wife, natutuwa siya na makakatrabaho ko si Dawn. Siya pa ‘yung unang nag-text kay Dawn and she’s very happy na magkakasama kami uli sa trabaho,” say ni Goma.

Bakit hindi naging walang hanggan ang pagmamahalan nina Chard at Dawn noong sila pa? “Alam ninyo, noong bata-bata pa kami ng Dawn, ang isip ko may pagkabata pa. Hindi pa ako masyadong seryoso sa buhay. Ang sabi ni Dawn, sa pag-iibigan nating ito, kailangan tuwid lang ang landas mo. Akala ko puwedeng sanga-sangang landas, kaya noong mga panahon ‘yun, sabi ni Dawn, kahit ang pag-ibig ko sa ‘yo walang hanggan, puputulin ko na ‘yan dito. But you know, kidding aside, we we’re young then. We have different priorities in life. But the good things happened sa amin ni Dawn, we’re very good friends. We’re very happy with our families. ‘Yung asawa ko, mahal si Dawn, mahal ko rin ‘yung asawa ni Dawn,” sabi ng actor.

“I think, hindi na mawawala ‘yung enjoyment namin at saka ‘yung genuine foundness namin sa isa’t isa. We treasure the kind of working relationship that we have. Pinangangalagaan namin ‘yun and we content na ganoon na lang ang pagsasama namin ngayon, okay na rin,” dugtong ni Dawn.

Mala- beauty contest naman ang tanong na ibinato kina Dawn, Susan Roces at Helen Gamboa na kasama rin sa cast. As an actress and as a person, how would they like to be remembered? “I’m proud of my achievement as an actress and working dito sa industriya. But I have to say that first and foremost, I am a mother and I think that for me is the most fulfilling. I want to hear one day that all the things I’ve done in this world, it was being a good mother and raising my children well,” seryosong sabi ni Dawn.

“I like to be remembered when I’m gone as a person that I am. I like people to remember me as a loving, warm, gentle and caring as a human being who appreciate all that is around her. I like to be remembered as an actress who did her best. I want to be remembered and appreciated with all the love and care that I have given and I continue seeking even when I’m not longer around,” say naman ni Ms. Susan Roces.

“I think, Susan says it all. Of course, first and foremost, I would like to be remembered as a good mother the best way I could. I want to be remembered as a very good friend, very compassionate, caring and giving. I want to be remembered as a gentle person also. Of course, through the years, my life experiences and from the way I started as young singing star. I want to be remembered also when I’m gone as a very serious actress who did my best,” pahayag ni Madam Helen.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Matapos maghiwalay at magkaroon ng kani-kaniyang pamilya Richard Gomez at Dawn Zuleta, napanatili ang magandang friendship

Leave a Reply

Your email address will not be published.