Matapos magbigay ng ransom Anak ng Negosyante na Kinidnap sa Davao, Laya na

DAVAO CITY – PINAKAWALAN na ang anak ng isang negosyante sa lungsod ng Davao na biktima ng kidnapping, habang naaresto naman ang isa sa mga suspek na dumukot sa bata. Nakilala ang biktima na isang Dave Anthony Chiu, 6, kinder pupil ng Matina Central Elementary School.

Nangyari ang pagpapalaya sa bata kahapon ng umaga sa lugar ng Sinawilan, Santa Cruz, Davao del Sur.

Una rito, naganap ang pagtangay sa biktima dakong alas-2:30 ng hapon noong Lunes at pagsapit ng alas-3 ng hapon ay tumawag ang mga kidnaper sa pamilya ng biktima at humi-hingi ng ransom na P2 milyon.

Binigyan lamang ng mga kidnaper si Richard Chiu, ama ng bata at may-ari ng Sunny Point, na matatagpuan sa Maa sa lungsod ng Davao ng dalawang araw upang maibigay ang ransom money.

Batay sa impormasyon, nakipag-negotiate ang pamilya at bumaba ang ransom money sa P180,000 na lamang. Sinasabing kahapon ng umaga naisagawa ang bayaran.

Samantala, nahuli ng mga kinauukulan ang isa sa mga kidnaper na nakilalang si Joel Moda, residente ng Doña Pilar, Sasa, Davao City; subalit nakatakas ang isa pa sa kasamahan nito.

Hindi naman makita ng mga awtoridad ang umano’y P180,000 na naibigay bilang ransom.

Bago ito, nakarating ang report na kidnapping sa opisina ni Vice Mayor Rodrigo Roa Duterte na siyang OIC mayor ngayon ng siyudad, at inilihim muna ang pangyayari para hindi madiskaril ang nasabing negosasyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.