Matapos madyaryo ang utang IC Mendoza, agad na binayaran ang P15K!


ILANG  ARAW   MATAPOS  lumabas   sa  aming column ang balance ni IC Mendoza na P15,000 para sa kinuha niyang hulugang iPAD ay nabalitaan naming binayaran na ito ng TV host.

Actually, pagkalabas ng aming item about him ay nag-text kaagad si IC sa executive producer ng TV5 at sinabing, “thank you ha. Nabasa ko ang Pinoy Parazzi article” or something to that effect.
Si IC na rin daw ang nag-initiate na bayaran na ang kanyang balance. Ang gusto pa nga niya noong una ay pumunta sa kanya ang EP pero out of town ito. Gusto ring magbayad ni IC ng tseke, bagay na hindi umubra dahil pinagpilitan talaga ng kinunan niya ng iPAD na cash ang ibayad sa kanya.

NAHIRAPAN SI KIM Chiu sa kanyang role bilang si Yuan sa kanyang bagong soap na My Binondo Girl.
“Nahirapan talaga ako. Nahiya akong umakting kasi lahat ng tao pinagtatawanan nila ako,” sabi ni Kim.

Naging peg nga raw niya for her character ang mga leading men niyang sina Jolo Revilla, Xian Lim at Matteo Guidicelli.
“Oo, tinitignan ko kung paano sila kumilos, kung paano sila umupo, kung paano sila kumain. Mabait naman ang mga kasamahan ko kaya okay naman.”
UNFAIR PARA KAY Nora Aunor na tawaging “president emeritus of the League of Extraordinary Has-Beens” sa isang article.

Nakalimutan yata ng sumulat that Nora is the Superstar and no one can match that, not even his idol who is perennially second fiddle to the one and only Superstar.

We dare to disagree with the writer’s contention that his idol’s career trajectory is “more superlative and quite laudable”.  The writer conveniently ignored the fact that Nora is the country’s  most bemedalled actress. She’s also won recognitions abroad, something that the writer’s idol will never achieve in her lifetime.

The writer’s idol can’t sing, although she can dance. Singing is an innate talent while dancing skills can be acquired. That’s the difference. Intiende?
Lahat ng artista ay malalaos pero hindi nila mapapantayan ang kasikatang inabot ni Nora Aunor who changed the landscape of Philippine showbiz dramatically.
BLIND ITEM: MUKHANG may tampuhan ang isang nagbabalik na aktres at ang character actress na kasama niyang nag-return of the Jedi sa bansa.

Dapat ay nasa cast ng kanyang mini-series ang aktres, pero bigla na lang itong nawala sa listahan. Hindi alam kung may hand ang actress sa pagkatsugi nito.
Anyway, hindi pa naman malinaw kung ano ang kani-lang ‘di pinagkasunduan.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Matapos madyaryo ang utang IC Mendoza, agad na binayaran ang P15K!

  1. When I initially commented I clicked the “Notify me when new comments are added” checkbox and now each time a comment is added I get four e-mails with the
    same comment. Is there any way you can remove me
    from that service? Cheers!

    my webpage: Cafe SD

  2. nakakaloka nag mga ginamit na words dun sa article na may writer’s idol ha….galing maglaro ng words..parang alien na!

  3. kung depth sa acting wala nang kapantay si Nora maliban kay Lolita Rodriguez, Vilma needs to use her hand and shout just to convey an emotion but despite that, kulang pa rin.

  4. Pag si Nora, umiyak na sa drama scene, iiyak ka rin, madadala ka sa emosyon ng pag-arte nya. Yan ang tunay na artista. Si Vilma hindi ako naiyak sa “In My Life” movie nya. . To sum it up. Walang tatalo kay Nora, when you talk about acting. Kung pag-uusapan ang acting, syempre NORA.

    Im not NORAnian, but I watched all her movies. The stories of the movies, the lines, and of course, the acting.

    Idagdag pa ang galing sa pagkanta. Si Florante ang orig. singer ng “HANDOG” pero sya ang nagpasikat ng husto sa kantang ito. Sana makanta nya uli ito. Nakakadala ng emosyon yung version nya.

  5. sino kaya ang mahaderang writer na tinutukoy ni ALEX B. sa article niya? at sino rin ang idolo ng writer na ‘yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.