Matapos Ipa-Deport; 75 Pinoy sa Japan, Nakabalik na sa Bansa

UMAABOT SA 75 mga Pilipino sa Japan na ipina-deport ang duma-ting na ng Pilipinas.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Raul Hernandez na ito’y matapos labagin ng mga kababayan ang Immigration laws ng nasabing bansa.

Sa naturang bilang, 54 dito ay mga kalalakihan habang 13 ang babae at walo naman ang bata.

Inihatid ito ng mga opisyal ng Japanese Immigration at Philippine Embassy, at sinalubong ng mga kinatawan ng DFA, Bureau of Immigration (BI), Overseas Workers Welfare Administrarion (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Hernandez, nakulong sa Immigration Center sa Japan ang mga OFWs bago napauwi.

Pinakamarami aniya sa foreign detainees ang 200 mga Pinoy.

Kasalukuyang mahigit 100 pa ang natitira sa center.

Samantala, nakausap na aniya ng mga opisyal ng Embahada ng bansa ang Japanese Immigration officers para matiyak ang maayos na trato sa mga Pinoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.