Matapos ikasal ang ex: Ogie Alcasid, pakakasalan na si Regine Velasquez! – Lolit Solis

Hirap na hirap si Robin Padilla na pag-usapan ang tungkol sa hiwalayang issue nila ni Liezel Sicangco dahil sa Shariah Law na kailangang sundin nina Robin bilang Muslim.

Kaya nu’ng sinalubong ito ng Startalk nang dumating galing Mindanao nu’ng nakaraang Biyernes, tipid na tipid ang sagot nito kapag tungkol sa pamilya niya ang mga tanong.

Masaya raw siya nu’ng sinilebreyt nito ang kanyang kaarawan nu’ng nakaraang November 23. Kumpleto raw ang pamilya niya at siyempre kasama si Liezel na itinuturing pa rin nitong matalik na kaibigan.

Hindi naman daw isyu sa kanila ni Liezel ang hiwalayan dahil nananatiling magulang pa rin daw sila ng kanilang mga anak.

Sabi nga ng aktor, “Hindi kami kailanman nagkahiwalay sa usapin ng maraming bagay. Me mga anak kami, saka magkaibigan kami, sa salitang kasal lang ‘yun. Pero sa pagiging tao, pagiging magkaibiga,n hanggang kamatayan ‘yun.”

Parang gusto ni Robin na mag-concentrate na muna sa kanyang mga anak lalo na sa nag-iisa niyang anak na lalaki na si Ali.

Usapan nga raw nila ni Liezel, siya na ang bahala kay Ali dahil alam nito ang gusto ng  lalaki, tapos si Liezel naman daw kina Queenie at Kylie. Pati nga ang pakikipag-boyfriend ni Queenie kay PJ Valerio ay hinahayaan na ni Robin kay Liezel dahil mas alam daw ito ng isang nanay.

Bukod sa kanyang pamilya, abala ngayon si Robin sa kanyang advocacy for peace na pinag-uusapan nila sa Mindanao.

Mukhang hindi pa siya makapagsimula sa pagawa ng pelikula dahil nagbabasa pa raw siya ng script.

Wala pa yatang nataypan na script si Robin kaya parang hindi pa ito interesadong magsimulang mag-shooting.

Mabuting gugulin daw muna niya ang kanyang oras sa kanyang pamilya na kasama niya ngayon dito.

Hindi na nag-comment si Robin sa napabalitang nag-asawa na sa ibang lalaki si Liezel sa Australia.

IBA NAMAN ANG drama nina Ogie Alcasid at ng dati nitong asawang si Michelle Van Eimeren dahil talagang happy family ang dating nila nang dumalo si Ogie kasama pa si Regine Velasquez sa kasal ni Michelle kay Mark Murrow.

Kung weird man daw ang dating nito sa iba, wala silang magagawa kung hindi maintindihan ang ganu’ng set-up.

Ang mahalaga masaya silang lahat at nagkakaintindihan sina Ogie at Mark na tumatayo ring ama sa dalawang anak ng una.

Sey nga ni Regine, natutuwa siya kay Mark dahil kapag nandu’n daw si Ogie sa Australia, hinahayaan niyang ito ang tatayong ama sa dalawang anak nito.

Nagpapasalamat naman si Ogie kay Mark dahil in his absence ito ang tumatayong ama sa kanyang dalawang anak.

Sana sa susunod na taon, kina Ogie at Regine naman ang dadaluhang kasal nina Michelle at Mark. Ang saya-saya na nila kapag ganu’n ang mangyari.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Matapos ikasal ang ex: Ogie Alcasid, pakakasalan na si Regine Velasquez! – Lolit Solis

  1. nagmukha ring yaya si regine nung mga kids lalo na’t karga karga niya yung bunso. and as what i have noticed, parang naaagnas ang mukha ni regine nung mainterview sya sa australia, wala siyang make up nun. scary

Leave a Reply

Your email address will not be published.