Matapos holdapin, kinursunada
Separada, hinalay sa harap ng nobyo

HINOLDAP NA, hinalay pa ang isang seperada ng dalawa sa anim na suspek sa harap ng nobyo nang harangin ng mga suspek habang naglalakad matapos kumain ng lugaw sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Nadakip naman sina Charlie Prieto, 20; Anthony Fernando, 25; John Leo Fajela, 17; at Oscar Vertera, 23, pawang ng Phase 10, Bagong Silang ng lungsod habang nakatakas ang dalawang hindi pa kilalang kasama.

Sa pahayag ng biktimang edad 26, ng Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan, alas-2:30 ng madaling-araw, kumain sila ng kanyang kasintahan na hindi na pinangalanan sa lugawan at habang naglalakad sa Phase 10, Bagong Silang ay hinarang nina Prieto at Fernando sabay tutok ng patalim.

Dinala ang magnobyo sa bakanteng lote sa nasabing lugar kung saan naghihintay pa ang apat na suspek bago nilimas ang mga gamit at pera ng mga una.

Dalawa sa mga suspek ang nagkakursunada sa seperada at hindi nakatiis ay halinhinang hinalay habang ang ibang suspek ay tinutukan ang lalaki upang hindi makapiyok.

Nang makakuha ng tiyempo ang lalaki ay nagawang makapiglas at nagtatakbo bago mabilis na nakahingi ng tulong sa mga pulis.

Agad na binalikan ang bakanteng lote ng lalaki at ng mga pulis hanggang sa maabutan ang apat habang nakatakas ang dalawa.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.