Matapos holdapin Dalagita, Pinapak

ARESTADO ANG isang suspek na gumahasa u-mano sa isang 16-anyos na estudyante sa Labangal, General Santos City.

Ang nadakip ay na-kilalang si Jojie Dillones ng Pearly Shell, Bula ng naturang lungsod.

Base sa ulat, hinoldap muna ang biktima na si alyas Leilani ng mga salarin.

Sa pag-uwi ng biktima, sumakay ito sa padyak sa Crossing Makar papuntang Calumpang at tinutukan ng kutsilyo sa leeg habang nasa madilim na bahagi.

Kahit nagsisigaw ang

biktima na humihingi ng tulong, nagtagumpay pa rin umano ang suspek na driver ng padyak, kasama ang iba pang kalalakihan para pagsamantalahan ang biktima.

Kaagad na nag-report sa mga kinauukulan ang biktima at isinagawa ang follow-up operation.

Naaresto si Dillones, ang kasama ng driver na humalay sa nasabing estudyante.

Samantala, mariing itinanggi ng salarin ang alegasyon kasabay ng pahayag na kanya lang umanong hinawakan ang dalagita habang ginagahasa ng driver ng padyak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.