Matapos hiwalayan ang dating manager
Martin Escudero, naging mailap na sa media

NAGING TAHIMIK si Martin Escudero matapos nitong isiniwalat ang mga naging kaganapan sa paghihiwalay nila ng landas ng kanyang dating manager na si Popoy Caritativo. Naging mailap din ito sa media at kung matiyempuhan man siya ay ayaw na niyang mag-komento sa isyu.

Last Tuesday, sa birthday surprise ng talents at bosses ng TV5 sa Chairman ng istasyon na si Manny V. Pangilinan sa Reliance Studios ng istasyon, isa si Martin sa mga nakisaya sa simpleng selebrasyon para kay MVP.

Aniya, malaki ang pasasalamat niya sa pag-aalaga ni MVP sa mga artista ng Kapatid Network kabilang na siya.

Nang makausap namin ito, inusisa namin siya kung ano ang mga paparating na proyekto o mga kasalukuyang pinagkakaabalahan. Kuwento niya, “Ah, ayoko pa kasing sabihin eh, nang detalyado. Pero may gagawin uli akong isang indie film na kukunan pa international at talagang excited na akong magawa ‘yung pelikula. Tapos na silang maghanap ng location, at sa ngayon ay hinahanap pa lang nila ‘yung iba pang cast. Dapat abangan nila ‘yun kasi malapit na ‘yun.”

Sa TV naman ay wala pang final kung ano ang gagawin niya pero may mga naririnig na raw siyang may gagawin na siya soon.

Sino na kaya ang manager niya sa ngayon? Saad niya, “Sa ngayon wala pa po, TV5, sila muna ang nagha-handle sa akin, maraming kumakausap pero wala pang final na desisyon talaga.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.