Matapos dilaan ang ari Lolo, pinahilot pa ang ari sa apo

SA KULUNGAN NGAYON nagpapahilot ang isang 57-anyos na lolo matapos itong mahuli sa akto ng kanyang sariling anak na dinidilaan ang ari ng 8-taong gulang na batang babae na anak ng huli at pinapahilot ang ari ng una kamakalawa ng umaga sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 at Statutory Rape – Licking ang suspek na si Ernesto Domingo, 57, may-asawa, vendor, ng # 126 F. Ablola St., Brgy. Tangos, Navotas City.

Sa ulat na ipinadala ni P02 Eva Rala, may hawak ng kaso, ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Navotas Police kay WCCD Office-in-Charge P03 Arlene Alvero, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay suspek sa nasabing lugar.

Sinamahan naman ng kanyang ama sa nasabing himpilan ng pulisya, ang biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 8, grade 2 pupil, ng Navotas upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Ayon kay Joan, umaga ay tinawag siya ng kanyang lolo (suspek) upang magpahilot ng katawan hanggang sa ilabas na suspek ang ari nito at iyon rin ang pinahilot.

“Naghubad po si lolo ng brief niya at pinahilot sa akin ‘yung t_t_ niya, tapos pinaghahalikan ako, pagsapit po ng hapon naligo ako, pagkatapos ko maligo, pinaghahalikan naman ang p_p_ ko,” ani pa ng biktima.

Sa salaysay naman ng tatay ni Joan, himbing itong natutulog ng mga oras na iyon nang marinig niya ang anak na humihingi ng damit sa kanyang ama (lolo ng biktima at suspek), at nang idilat nito ang kanyang mata ay nabigla siya sa kanyang nakita na dinidilaan ang ari ng anak.

Dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang ama ng biktima na naging dahilan ng agarang pagkakadakip sa suspek.     (MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.