Matapos ‘di umuwi sa bahay at isoli ang wedding ring
Mariel Rodriguez, muling sinusuyo ni Robin Padilla

NAGULAT ANG mga taga – TV 5 Delta nang bigla bumulaga si Robin Padilla na walang pasabi.

Maging si Willie Revillame, nagulat din dahil hindi niya inaasahan na may Robin na darating sa studio niya noong nakaraang Thursday.

Isang surprise visit ang ginawa ni Binoe sa misis niyang si Mariel Rodriguez na nagtatampo sa kanya dahil sa mga naapanood nito sa teleserye ng mister with Kris Aquino sa Kapamilya Network.

Ikaw ba naman na misis, gabi-gabi napapanood mo na may kissing scene at mahihigpit na yakapan ang mister mo at ang ex-girlfriend niya na si Kris (yes, naging mag-on for a while a dalawa noong 80’s); pusong bato ka na kung hindi ka maaapektuhan.

Sa katunayan, ang selos ni Mariel ay nauwi sa hindi pag-uwi nito sa bahay nila ni Robin and at the same time ay ang pagsoli ng wedding ring niya sa mister.

Pero sinorpresa siya ni Binoe nang bumulaga ito sa TV 5 Delta para suyuin ang misis. On the air last Thursday ay humingi ito ng dispensa kay Mariel na saksi ang sambayanan.

Lumuhod si Binoe sa misis at muli isinuot ang wedding ring kay Mariel.

Laking pasasalamat ni Robin sa kaparehang si Kris dahil ito ang personal na tumawag kay Mariel explaining personally sa misis ni Binoe that everything she sees on television ay isang palabas lang at eksena.

Kung napanood n’yo ang very hot jacuzzi scene nina Kris at Robin, sa teleserye nila sa Kapamilya Network, ewan ko na lang kung hindi ka pa tamaan sa mainit na eksena nina Robin at Kris na sa teleserye ay inaasal na nagha-honeymoon na.

By the way, due to Kris hectic schedules, ito na ang last teleserye niya dahil bibigyan naman niya ng priorities ang ibang bagay na mahalaga sa kanya this 2013.

 

EXCITED SI Coco Martin come March dahil magde-debut na si Julia Montes na iniirog niya.

Sa birthday kasi ng dalaga, magiging open na siya sa mga manliligaw niya. In short, she’s willing to entertain suitors (officially) na nagkakagusto sa kanya at isa na nga rito si Coco.

Na-develop ang actor sa young actress nang magsama sila sa Walang Hanggan  na nauwi nga sa isang Valentine presentation ng Star Cinema – ang A Moment in Time.

It’s about a rich girl and poor boy love affair na ginawa ang Paris at Amsterdam as background sa kanilang pagmamahalan.

Based on the trailer, cute ang movie na dinirek ni Manny Palo na dating director ng aktor sa Cinemalaya 2012 na Sta. Nina.

Come Wednesday Feb 13, masusubukan ang love team nina Coco at Julia kung ang hatak nila sa kailang mga tagahanga sa telebisyon ay magko-crossover sa pagsuporta nila sa big screen.

Sa birthday ni Julia, si Coco ang escort niya. Sa pagkakaalam ko, kung sinong lalaki ang pinakamalapit sa puso ng isang debutante, ito ang kinukuhang konsorte niya unless may ama or nakatatandang kapatid na lalaki ang young actress.

 

MAI-IN LOVE ka kay Richard Yap aka Sir Chief sa buhay ni Maya sa morning teleserye ng dalawa sa Kapamilya Network?

Alam namin, sandamakmak ang mga babaeng in love sa kanya. From your Manang Labandera to your Yaya ni Baby hanggang sa mga sekretarya sa Makati ay nasa puso at ilusyon nila si Papa Chen now known as Sir Chief.

Pero knows mo ba na noong kabataan niya, may dalawang gay experience si Sir Chief?

Yes, sa Makati Cinema Square, may nag-attempt sa kanya sa loob ng sinehan na hinawakan ang kanyang binti as a preliminary pasakalye na type siya ng dalawang beki (in two separate occasion).

What happened next? Hayun hindi na-consumate ang pantasya ng beki sa kanya dahil inambahan niya ito ng suntok.

Ang ending, nagwalk-out ang dalawang beki kaya walang nangyaring “sekswal”.

Pero with Sir Chief’s YDL (Young and Delicious Look); any Beki will still love to bring him to bed. Bet?

 Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

15 thoughts on “Matapos ‘di umuwi sa bahay at isoli ang wedding ring
Mariel Rodriguez, muling sinusuyo ni Robin Padilla

  1. my gudnes…ang arte naman ng lukaret na yan.umeeksena ang pohtah,prng hindi sya taga showbiz.sobrng ka artehan ang pinag gagawa nya.

  2. REMEMBER NYO BA NUNG MAY DELUBYO BA YON? ANG MAGJOWA NA YAN AY NAGLUTO NG KALDE KALDERONG LUGAW AT TUMULONG SA MGA MAHIHIRAP NA NASALANTA NG BAGYO. TUWA NA SANA AKO HA, MGA TEH. NAIYAK PA KO SA GANDA NG LOOB NILA. KASO, JUICE MIO, NASIRA ANG DRAMA DAHIL NAGTAWAG PALA NG MGA CAMERAMEN AT AYUN, DOCUMENTED ANG PAGPAPAPASOK NILA SA BAHAY NILA. WELL, SALAMAT NA RIN AT NAKAKAIN KAHIT PAPANO ANG MGA BIKTIMA

  3. jusko, kahit anong gawin nilang gimik sa kanilang KeKI, waley pa rin noh! atras pa nang oras hanggang makatapat si kuya germs baka sakali mag rate ng bonggelya

  4. UMEEPAL ALNG YANG MALANDING MARIEL NA YAN PARA MAGPAPANSIN AT PA PROMOTE YUNG WALANG KWENTANG SHOW NILA NI WILLIEBOG! PALIBHASA MANGGAGAMIT!!!! WAG NA SILA MAGARTISTA MGA OA AT AARTE!!!! MGA LETSE!

  5. May karapatan naman siya magselos kasi asawa siya,,,,pero sana inisip din niya artista ang asawa niya,,natural mente,,,amy kissi g scene at lovescene,,,dami niya alam,,,,Eversince Mariel is a big OA,,,,sige lang ,,,,magsasawa din si robin kakasuyo saiyo,,,,dami kayang babae  teh Mariel,,,,kala mo naka jackpot ka kay robin,,,,naku ewan na lang sa iyo

  6. Bakit nga ba nagagalit si robin sa mga basher ng misis nya? in the first place dapat sinabihan nya ang misis nya na those personal things should remain private kung ayaw nilang makabasa at makakita ng di nila magugustuhan sa madlang people. he should reprimand his wife first to stop acting like a teeny bopper, she should know that she’s OLD ENOUGH to act like one and the worse is, Robin got mad sa madlang people because of using social media, eh san ba sila nag-inarte ni mariel? di ba sa programa rin, eh part din iyan ng social media, so ano ang sinasabi mo ngayon Robin?

    • Agree super OA at CORNY.  Nagalit pa itong si Binoe sa social media,  tinitira kasi yong asawa niya sa social media dahil parang OA kasi.  Uhaw kasi itong dalawa sa limelight.  Kailangan pa bang suyuin si Mariel in front of the camera when he could very well do it behind the scene.  Si Mariel yata ang parang mas na inlove kay Robin kaya maski ano pang gawin ni Robin, Mariel will always forgive him.  Hay beginning pa lang yan kay Mariel.  Dami pang darating nyan.  Wait and see na lang.  Suwerte ni Zanjo kaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.