Matapos awayin si misis Mister, Nanunog

NAKATAKDANG SAMPAHAN ng kasong arson ang isang mister matapos sunugin ang kanilang mga gamit sa bahay sa Albay kamakailan.

Base sa report, personal na away ang nagtulak sa suspek na si Arman Buensuceso, 44, para sunugin ang kanilang mga gamit sa bahay partikular ang gamit ng kanyang misis na si Rachelle Buensuceso, 34.

Ayon naman kay Pol. S/Insp. Prepotente ng Ligao City PNP, desidido silang sampahan ng kaso ang suspek katuwang ang Bureau of Fire Protection matapos madiskubreng intensiyon na ng suspek ang nasabing panununog.

Samantala, nasa kustodiya na ng Ligao-PNP ang suspek habang hinihintay ang kasong isasampa laban sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.