Matapos ang termino: PNoy, puwedeng makasuhan

NAGBABALA ANG administration senator na puwedeng maharap sa kasong kriminal si

Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III matapos ang kanyang termino kung hindi nito maipaliliwanag kung saan napunta ang bilyong pisong pondo ng Malampaya sa Palawan.

Ayon kay Senate pro-tempore Ralph Recto, umaabot sa P170 bilyon ang kita ng pamahalaan sa Malampaya project mula taong 2002.

Maaalala na noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, gumastos ito ng P25 bilyon habang P15 bilyon sa kasalukuyang administrasyon kaya’t mayroon pa umanong natitirang P130 bilyon.

Sinabi pa ng mambabatas na hindi mahagilap ngayon kung nasaan ang naturang pondo.

Samantala, panahon na aniya na ipaliwanag ng Budget Management kung magkano pa ang natitira sa nabanggit na pondo ng Malampaya at paano ito nagastos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Matapos ang termino: PNoy, puwedeng makasuhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.