Matapos ang isyu ng cash gift
Ratings ni JPE, Bumagsak

BAGSAK SA 27 porsyento ang approval ratings ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos masangkot sa isyu ng pamimigay ng cash gifts sa Senado.

Base sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa 1,800 botante noong Enero 19 hanggang 30 sa kasagsagan ng isyu ng umano’y maling paggamit ng pondo ng Senado at pagsuporta ng mga mambabatas sa liderato ni Enrile, lumitaw na bumagsak sa 46% ang ratings ng senate president mula sa 73% noong Nobyembre 2012.

Bumagsak din ng 21-porsyento o sa 46% ang trust ratings ni JPE mula sa 67% noong Nobyembre 2012.

Maaalala na nauwi pa sa personalan ang ba-

ngayan nina Enrile at Senador Alan Peter Cayetano sa isyu ng pamumudmod cash gifts sa Senado. Nagbitiw rin ang chief of staff ni Enrile na si Atty. Gigi Reyes matapos tawaging ipokrito ang ilang mambabatas.

Bagama’t bumaba rin ang approval at trust ratings nina Pangulong  Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Vice President Jejomar Binay, sila pa rin ang may pinakamataas na grado sa mga pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan.

Si P-Noy ay may 66% approval ratings at 68% trust ratings ngayon kum-para sa 78% at 80% noong Nobyembre.

69% naman ang approval ratings at 71% ang trust ratings ni Binay, kumpara sa dating 82% at 81%.

Samantala, kapwa rin bumaba ang approval ratings nina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa 28% at Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa 24%.

48% naman ang trust ratings ni Belmonte, habang 50% ang kay Sereno.

Sa tatlong key institutions  naman ng pamahalaan, tanging ang  Korte Suprema ang nakakuha ng majority trust ratings na 53%, kumpara sa 48% ng Senado at 44% ang sa Kamara.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.