Matapos ang car accident
Alyssa Alano, kailangan pa ring operahan

GINAWA KO muna ‘tong column na ‘to bago ako pumunta sa Marikina Valley Medical Center para dalawin si Alyssa Alano.

Siyempre nag-worry kami nang husto nang nabalitaan namin ‘yan. Nu’ng nakausap ko ang manager niyang si Annie Ayroso, sinabi naman sa amin na okay na siya, pero kailangang operahan daw.

Hindi nga lang natuloy ang ope-rasyon sa kanya nu’ng Linggo, dahil mas minu-monitor nila ang sugar nito sa tagiliran na hindi raw magka-infection.

Pero ang sabi raw ng doktor, ooperahan pa rin siya, pero kaila-ngan muna niyang magpagaling.

Nu’ng dinalaw siya nina Ricky Lo, hirap pa siyang magsalita dahil masakit daw ang sugat niya.

Sana bago mag-Sabado, puwede na siyang magsalita dahil marami siyang kailangang linawin sa pagkaaksidente niya.

Ang kumalat na kuwento, lasing daw ito na nagmamaneho. May nakita pa raw na bote ng alak sa kotse niya. Marami raw ang nakakita na napakabilis ng takbo niya kaya ganu’n kalala ang tinamo nito nang nabangga siya.

In fairness kay Alyssa, hindi talaga ito umiinom. Naka-ilang attend na ‘yan sa Christmas party ng Startalk, hindi talaga siya umiinom. Mag-isa lang siya sa kotse niya, kaya hindi ‘yan magbabiyahe na nakainom.

Ewan ko naman kung saan nanggaling ang ganu’ng kuwento.

Ang sabi sa amin, talagang nagkaproblema ang kotse niya na apat na buwan pa lang pala ito sa kanya.

Bago itong kotse na binili niya four months ago, tapos nagkaproblema na hindi raw gumana ang preno nito.

Ang isa pang nangyari sa kotse niya, hindi rin raw gumana ang air bag nito kaya alam ko irereklamo nila ito sa pinagbilhan nila.

Kaya dapat na sagutin ni Alyssa ang mga isyung ito sa pagkaaksidente niya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk sa Sabado na magsi-celebrate ng 17th anniversary namin.

 

NAAWA NAMAN pala ako kay Derek Ramsay na naipit sa ABS-CBN 2 sa promo ng pelikula niyang A Special Affair kasama sina Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Inamin kasi ni Anne Curtis na pinagbawalan siyang mag-promote ng pelikula niya sa ABS-CBN 2. Kung babanggitin daw niya ito sa Showtime, hindi raw niya puwedeng banggitin ang pangalan ni Derek na leading man niya.

Siyempre nagtatrabaho lang daw siya sa network niya kaya wala siyang magagawa kundi sundin ito.

Alam naman daw niyang may rason kung bakit ginawa ng ABS-CBN 2 kaya rerespetuhin na lang daw niya.

Hindi naman puwedeng mag-promote sina Anne at Andi sa TV5 kaya mahirapan talaga sila pagdating sa promo nito.

Nakiusap pa nga sila na mag-promote si Derek sa Startalk sa Sabado, pero ewan ko kung puwede. Abangan n’yo na lang.

Pero sa October 24 na ang showing nito kaya sana suportahan n’yo na lang. Mukha namang maganda siya base sa trailer kaya gusto kong i-promote ito alang-alang kay Derek na napakabait naman sa akin ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

4 thoughts on “Matapos ang car accident
Alyssa Alano, kailangan pa ring operahan

  1. Patunayan mo, Derek, ang star power mo ngayong umalis ka na sa Dos. At ipakita mong sulit ang binayad ni MVP sa ‘yo lumipat ka lang. Aw!

  2. Naku, wag nang sumama ang loob nila, nakatulong pa nga ang ABS sa promo ng pelikula, nagkaroon sila ng free publicity courtesy of ABS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.