Matapos ang brek-up nila ni Matteo Guidicelli
Maja Salvador, puro trabaho na lang ang inaatupag

MASAYA NA ang hitsura ngayon ni Maja Salvador kapag ipinapaliwanag niya ang kanyang sarili kung okey na siya ngayong puro trabaho na lang muna ang kanyang inaatupag, dahil apat na buwan na nga silang hiwalay ng dati niyang karelasyong si Matteo Guidicelli. Puwede na ring paniwalaan, dahil hindi na nga masyadong iyakin ngayon ang isa sa mga bida ng teleseryeng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN kapag tungkol sa nawasak na relasyon ang pinag-uusapan.

Tama lang naman ang ginagawang pananahimik ngayon ni Matteo kapag inuurirat siya kung bakit sila humantong ni Maja sa hiwalayan. Samantalang siya itong unang nagpangalandakan na nu’ng wala pa siya sa showbiz ay crush na talaga niya ang magandang young actress. Kung si Matteo man ang totoong may kasalanan sa kanilang hiwalayan, wala rin namang masasakit na salita kontra sa kanya na pinapakawalan si Maja.

Mayroon na ring mga bagong nagpaparamdam ng panliligaw kay Maja, pero kasisimula lang niya ng bagong teleserye, kaya nakatutok muna siya sa career. Sayang nga lang, dahil nasimulan na ng leading man niya sa teleserye na si Enchong Dee ang pagdiskarte kay Julia Montes at hinihintay ng guwapong actor na mag-eighteen si Julia sa March. Kung nagkataon, dahil libre ngayon si Maja ay puwede sanang maging sila. Crush din kasi ni Enchong dati si Maja.

 

PAREHO MUNANG nagpaliguy-ligoy sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero tungkol sa kanilang ugnayan bago silang nagpabuking sa showbiz na sila na nga. Ilang beses inililigaw ng Tsinitang aktres ang isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa habang marami na talaga ang nakahahalata na mayroon nang namamagitan sa kanilang dalawa.  Maingat din naman kasi talaga dati si Sen. Chiz kapag pinapaamin siya kung magkarelasyon na ba talaga silang dalawa.

Ganyan na ngayon ang uso sa showbiz. Kailangan munang ang lalaki ang maunang magsa-lita na nanliligaw siya sa isang aktres bago umamin ang babae tungkol sa kanilang ligawan. Hayan na nga, kahit lumabas na nagpapaikot si Heart, parang okey lang sa kanya na ipag-pilitang hindi naman daw si Senator Chiz ang tinutukoy niyang lalaking malapit sa puso niya. Dahil sa naunang pag-amin ni Senator, naging klaro na talaga ngayon ang usapan at wala nang parang nagtataguan.

Kahit pa sabihin ng mga dating naging ka-relasyon ni Heart na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga na bahagi na lang ng nakalipas nila si Heart, masasabing malungkot din para sa kanila, na pareho silang iniwanan ni Heart sa mga panahong parehong todo-todong nagmamahal sina Echo at Daniel sa aktres. Wish lang natin ay magtagal din sina Heart at Chiz, at huwag namang magaya si Senator kina Echo at Daniel, na parehong biktima ng pang-iiwan ni Evangelista.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Matapos ang brek-up nila ni Matteo Guidicelli
Maja Salvador, puro trabaho na lang ang inaatupag

Leave a Reply

Your email address will not be published.