Matapos ang 10 taong pakikipagbakbakan sa Basilan 500 Marines, Binigyan ng Christmas Break

MAITATALA NA PINAKAMA-GANDANG regalo para sa may 500 miyembro ng Philippine Marines ang paparating na Pasko.
Ito ay nang mabigyan ng pagkakataon ang Marine Battalion Landing Team 6 na makauwi sa kani-kaniyang mga pamilya makaraan ang 10  taong pakikipagbakbakan sa iba’t ibang klaseng kriminal, partikular ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan, Tawi-Tawi, North Cotabato at Lanao del Norte.

Ang MBLT 6 ay dumating kahapon sa Philippine Navy headquarters kung saan pinarangalan ang mga ito sa matagumpay na combat operation laban sa ASG at iba pang high profile criminals sa nabanggit na lugar sa Mindanao.

Bukod sa pagkilala sa kagi-tingan ng tropa, ginawaran din ang mga ito ng parangal sa pangunguna ni Lt. Col. Robert Velasco, ang kumander ng MBLT 6, tumanggap ng Distinguised Navy Cross nang lansagin ang limang ASG, kabilang si Jemaah Islamiyan leader Zulkipli Abdul Bin Hir, at pagdakip sa 11 miyembro ng ASG.
Kabilang sa mga pinarangalan si Sgt. Albert A. Ekid na nakipaglaban sa may 100 ASG sa bayan ng Indanan noong 2009, kung saan nakubkob ang kuta ng mga bandido.

Sinasabing ang naturang grupo ay elite force na panlaban sa mga ASG dahil sa kakaibang training ng mga ito.

Ayon kay Velasco, ang pagbabalik nila sa headquarters ay para muling magsanay na aabutin din ng ilang buwan. Ito rin ang pagkakataon na kanilang makapiling ang mga mahal sa buhay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.